_ngayon
^
Liza, gumaling ang  tagalog sa trEse
Liza
STAR/ File

Liza, gumaling ang tagalog sa trEse

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Malaking tulong kay Liza Soberano si Enrique Gil para sa kanyang pasasalita ng Tagalog sa Netflix series na Trese na napapanood na ngayon.

Aminado naman ang Kapamilya actress na hindi niya first language ang Filipino kaya naman kahit nahasa na siya sa mga nauna niyang pelikula, kailangan pa rin niyang mag-practice.

Kaya bago raw nag-umpisa ang Trese, Tagalog ang pakikipag-usap niya sa boyfriend at sa kanyang family para mas maging praktisado pa.

Kahit voice acting, nilagyan ni Liza ng lalim ang bawat eksena niya bilang si Alexandra Trese na bida sa anim na episodes ng Trese.

Bukod sa natutunan niya sa pagre-research sa internet, malaking tulong din umano sa actress ang voice coach.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with