^

PSN Showbiz

Beauty naunahan na si John Lloyd!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Beauty naunahan na si John Lloyd!
Beauty
STAR/ File

Naunahan ni Beauty Gonzales na magkaroon ng show si John Lloyd Cruz na unang napabalitang lumipat sa GMA Network.

Isinalang na si Beauty sa isang virtual mediacon upang pormal na ihayag na magkakaroon siya ng show sa Kapuso Network.

Walang ibang detalye si Beauty kung sino ang kanyang makakasama. Basta mas bata raw sa kanya, huh!

Eh sa Facebook post ng writer-director na si Adolf Alix, Jr., isang romance mini-series ang gagawin ng dating discovery ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.

Ang title nito ay Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette. Si Alix ang director at nasa casting stage pa lang ng produksiyon.

Sa  bahagi ng pahayag ni Beauty, “I love the script. I love ‘yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good.”

Pangarap lang noon ni Beauty na magkaroon ng negosyong sementeryo. ‘Yun nga lang, napilit siya ng nanay niyang mag-audition sa PBB and now the rest is history!

Pen name ni Bonifacio gagamitin

Kumpirmado na palang si Manila Yorme Isko Moreno ang gaganap bilang Andres Bonifacio sa bio-flick na gagawin nina Dondon Monteverde at Erik Matti under their Reality Entertainment Production.

Pero ang gagamiting title ng movie ay May Pag-Asa ayon FB post ni Dondon. ‘Yung daw ang pen name noon ni Bonifacio.

Comeback movie rin ito ni Yorme pero prayoridad pa rin niya ang pagiging Mayor ng Maynila kung sakaling magkaroon ng conflict sa shooting schedules.                                                                                                  

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with