_ngayon
^

PSN Showbiz

Claudine, aminadong nega lang si julia pero ‘di pa laos!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Claudine, aminadong nega lang si julia pero âdi pa laos!
Claudine
STAR/ File

Aminado si Claudine Barretto na masama pa rin ang kanyang loob sa pamangking si Julia Barretto.

Kahit mayroong hindi pagkakaunawaan ang magtiyahin ay nakapanig pa rin si Claudine sa dalaga. May mga nagsasabing laos na diumano si Julia pero hindi sumang-ayon si Claudine dito. “Ako, meron akong sama ng loob kay Julia. Everybody knows that but I don’t wanna think na bumagsak ‘yung career niya. Mas naiintindihan ko since I’m here in show business. Mas importante na mabigyan siya ng right project. And even wala pang mga tsismis tungkol kay Julia, she was just really waiting for that good project to come to her. Kasi nga ang problema marami sila. May Ja-Dine, Kath-Niel, Liz-Quen, may Josh-Lia dati. Ngayon may Gerald, hindi ano… I’m just waiting. Nega ang mga nasusulat sa pamangkin ko, pero at the end of the day pamangkin ko pa rin ‘yon,” makahulugang pahayag ni Claudine.

May pagkakahawig umano ang nangyari sa aktres noon sa nangyayari kay Julia ngayon. “Sa akin nangyari ‘yan, ilang beses na. Lalo na ‘yung rebellious days ko pero hindi siya bumagsak. Si Julia naging nega lang siya, and we just need a real good project for her because alam ko dugong Barretto ‘yan. Magaling ‘yan at saka may dugong Dennis Padilla ‘yan, magaling din sa comedy,” pagbabahagi niya.

Luis gusto nang ma-enjoy ang pagiging ama

Nakahanda nang bumuo nang pamilya sinaJessy Mediola at Luis Manzano.

Mahigit apat na buwan nang kasal ang mag-asawa kaya naman naghahanda nang magkaroon ng anak. “Yes I am ready to get pregnant. Better din na nasa late 20’s na rin ako kaysa nasa 30’s na ‘ko. Parang feeling ko mas mabilis akong magba-bounce back. Gusto rin talaga namin ni Luis na siguro mga two to three ‘yung children namin. Kaya sana two to three kids before I turned 33, gano’n, 28 na ‘ko ngayon eh. So meron akong five years pa,” pagtatapat ni Jessy.

Konsiderasyon din para sa aktres sa kanyang pagbubuntis ang pagkakaroon ng pandemya. Ayon kay Jessy ay posibleng sa mga susunod na taon na siya magdalang-tao. “Not so sure, siguro when things are better. Sana talaga things get better. Para rin all of us could really move on with our lives na walang worries, na walang anxiety na nakakabit,” pahayag ni Jessy.

Apatnapung taong gulang na si Luis kaya naman talagang gusto na nitong magkaroon kaagad ng anak. Hanggang maaari ay gustong ma-enjoy ng TV host ang pagiging ama sa magiging mga supling. “Given naman ‘yon, siyempre hindi naman na ako bumabata. Kasi lahat ng tropa ko may mga pamilya na halos. Kumbaga sa buong barkada ko, mga kinse kami. Parang 12 to 13, malalaki na ang mga anak actually. ‘Yung daddy ko no’ng pinanganak ako I think nasa 28 years old siya. marami kaming nae-enjoy ni daddy together even at this point. ‘Yon din ang habol ko na parang ‘yung anak natin marami pa kaming magawa,” pagdedetalye ni Luis. (Reports from JCC)

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with