_ngayon
^
Dingdong sinagot ang plano sa 2022, Marian tinapos na ang social media hiatus!
Dingdong

Dingdong sinagot ang plano sa 2022, Marian tinapos na ang social media hiatus!

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2021 - 12:00am

Ngayong araw na magpapabakuna si Dingdong Dantes. Excited na kabado raw siya. “Relax relax muna at medyo kinakabahan at excited na ako bukas dahil nakakuha na kami ng COVID-19 vaccine slots! Kabilang ang entertainment workers sa A4 category, at kailangang kailangan na talagang magpabakuna ang mga palagiang lumalabas para magtrabaho. Ito ay karagdagang pag-iingat at proteksyon hindi lang para sa akin, kundi para sa aking pamilya, sa aking mga ka-trabaho, at komunidad.

#IngatAngatBakunaLahat,” ang kumpletong post niya. Kasama niyang magpapaturok si Marian ngayong araw.

By the way, back to social media si Marian.

Yup, tinapos na nga niya ang hiatus niya. Kahapon ay nag-post na si Marian. Obviously, nag-bakasyon silang buong pamilya. “Recharged thanks to mother nature Happy Friday!

P.s - I’m back!” caption ng reyna ng GMA network habang suot ang Dior swimsuit sa kanilang getaway pero walang banggit kong saan.

Pero nang matanong si Dingdong kung bakit nag-hiatus ang misis ay sinabi ng actor na mas mabuting si Marian ang sumagot tungkol dito, sa media conference para sa 3rd anniversary ng hino-host niyang programang Amazing Earth.

“Team Amazing Earth has a lot in store for our viewers in celebration of our third anniversary. We know na with the pandemic, hindi lahat ay nakakapasyal to explore the many beautiful sights that this planet can offer. Kaya naman our program is very much excited to take our viewers to more breathtaking destinations across the country and around the world,” na nilinaw ding wala siyang political plan sa 2022.

Instead, sinabi ni Dingdong ang kanyang take kung paano makakatulong sa environmental protection. “We feature local heroes para makita natin kung ano ba ‘yung mga puwede nating gawin for our environment and it’s not just limited to tree planting; it could be as simple as educating everyone tungkol sa mga kuwentong bayan na may kinalaman sa kalikasan.”

At isa sa magiging guest niya sa third anniversary si Pasig Mayor Vico Sotto kung saan nang ma-interview niya ay nakita niya kung gaano ito ka-humble. “I think that he is a very very humble public servant, very very sincere kumbaga ‘yung kanyang pagmamalasakit ay talagang may pinagmumulan. Hindi lang siya lip service ika nga match na match ‘yung values niya sa action na ginagawa niya at talagang masasabing servant leader talaga siya.”

At bilang father’s day na next Sunday, anong mga adventure ang gusto niyang ma-experience nina Zia and Ziggy once na ok na ang lahat?

“Well, I really want them to go back to the basics. Yung tipong ma-e- enjoy nila yung outdoor activities, ma-e-enjoy nila yung kagandahan ng ating mga beach, mga rivers, mga falls, the mountains, yung mga laro na pwede sa kalsada so ito yung mga bagay na sana maibalik di ba na ngayong naka-lockdown tayo na parang iniisip natin kelan kaya babalik itong mga to. And para sakin siguro kung hindi ko na siya magagawa at least yun man lang ay mapagpatuloy ng mga anak ko at ma-enjoy nila because may dahilan eh kung bakit binigay sa atin ang napaka-gandang lugar na to - for them to enjoy and of course for them to not abuse also,” sabi pa nito aminado ring may plan na magkaroon ng farm.

At nang tanungin naman siya kung paano niya idi-discribe ang kanyang sarili bilang isang ama, ang sagot ng aktor : “Siguro masasabi ko talagang mava-validate ko yung kasabihang na wala  talagang manual lalo sa pagiging isang ama kaya everyday is always a learning process for me while I consider myself na working progress in so many aspect hindi lang as parent pati na rin sa sarili ko, sa mga gusto kong gawin, working progress ako. And para sa akin ‘yun yung basic principle na kailangang maging klaro kasi kung sinasabi mong alam mo ang lahat e di medyo delikado ‘yun di ba parang wala ka nang room sa improvement, wala kang room sa siguro mas tamang bagay sakaling mali ka. And also in that process of accepting that you are a working progress and every day is a learning process for you as a father alongside that also is the fact that I learn together with my kids I also learn from them kumbaga ‘di lang ako natututo dun sa proseso ng pagiging magulang kundi natututo rin ako sa kanila and I think ‘yun ‘yung greatest value dun eh,” paliwanag nito sa sinasabing isa sa mga ideal father sa showbiz.

COVID-19 VACCINE DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with