^

PSN Showbiz

Maricel, inaangkin ang anak ni Meryll

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maricel, inaangkin ang anak ni Meryll
Maricel

Kinaaaliwan ngayon ni Maricel Soriano ang bunsong anak ng pamangkin na si Meryll Soriano. Naaalala umano ng Diamond Star noong mga panahong ipinanganak si Meryll. Si Meryll ay anak ng kapatid ni Maricel na si Becbec at Willie Revillame. “Kaya noong dumating si Eli (anak nina Meryll at Bernard Palanca) sa buhay natin, aba eh talaga naman. Ako ang feeling ko ay akin ang anak. Inaangkin ko. Hindi naman pwede siyempre, may nanay ‘yon. Tapos hindi pa tayo natapos doon, walang tuldok, nanganak ulit. Naku! Pagka-gwapo na naman ng anak, ano ba ito? Si Guido naman ang kinahuhumalingan ng lahat. Nakakaloka ang bata, napakaguwapo. Dalawang apo ko na ang gwapo. Kaya sabi ko Diyos ko, ano ba ito? Dalawa na silang gwapo. Ang swerte naman namin ‘di ba,” naka­ngiting pahayag ni Maricel.

Matatandaang ipinakilala ni Meryll sa publiko nito lamang Enero ang kanilang anak ng aktor na si Joem Bascon. Bilang pagpupugay kay Maricel ay isang Instagram post ang ginawa ni Meryll noong isang linggo. Isang lumang larawan na magkasama sina Maricel at Meryll sa shooting na may caption na, “You have always been my kakampi. I love you so much, Tita. Thank you for your support on DearMamaMeme. ­It means the world to me,” post ni Meryll.

Ang Dear Mama Meme ay ang sariling YouTube channel ni Meryll.

Yeng, maraming tanong sa bagong kanta

Isang bagong inspirational song ang isinulat ni Yeng Constantino.

Ayon sa singer ay ang pagkakaroon ng pan­demya ang kanyang naging inspirasyon kaya nabuo ang Kumapit. “Tayo po na nasa gitna ng isang unknown na kaaway, itong pandemya. Wala pa pong nakaranas sa generation natin nito eh, and everyone is going through so much darkness. And it wasn’t hard na humugot ng inspirasyon doon dahil kahit po ako, parte ng mga taong nakakaranas nito. Siguro magkakaiba lamang po tayo ng level, kung ano ‘yung severity sa experience natin, pero ‘yon ‘yung common sa ating lahat, ‘yung hirap, ‘yung pag-aalala, ‘yung lungkot, ‘yung fear of the unknown,” pagbabahagi ni Yeng.

Napapakinggan na ngayon ang Kumapit sa pamamagitan ng Spotify, iTunes, Amazon, Deezer, TikTok, Apple Music at YouTube.

Maraming katanungan ang bumabagabag kay Yeng kaya mabilis na naisulat ang bagong kanta. “Ano ba talagang mangyayari? Matatapos ba ‘to? Gaano ba karami ang mawawala sa ‘min? Paano na ‘yung pamilya ko? So ‘yung mga questions na ‘yon, and even ‘yung feeling of ‘God, nandito ka ba sa gitna nito?’ A lot of people kapag dumaan talaga sa pagsubok, mararamdaman mo talaga minsan na parang nakalimutan na yata ako ng Diyos. That’s very familiar sa ating lahat. So ‘yon po ‘yung pinaghugutan ko,” pagdedetalye ng singer. (Reports from JCC)

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with