^

PSN Showbiz

Susan at Coney, may tiwala sa bakuna

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Susan at Coney, may tiwala sa bakuna
Susan
STAR/ File

Ang cute tingnan ng stars like Susan Roces na nagpapabakuna. The likes of Coney Reyes, mga oldtimer na naniniwala na ang bakuna ang puwede nating panlaban sa COVID-19.

At sana nga ang mga gustong magpabakuna ma-vaccinate na, kahit anong category. Huwag nang pilitin ang ayaw, desisyon nila iyon, pabayaan na sila. Eh ang dami kong naririnig na gustung-gustong magpabakuna pero hindi pa natatawagan.

Samantalang ang mga ayaw ang naka-play up. Unahin na ang may gusto, ubusin na ang bakuna bago mag-expire. Siguro naman medyo nadi-delay lang pagtawag o pagbigay ng sked pero nandiyan pa rin at mabibigyan ang lahat.

Sana maayos na ito, in fairness  tuluy-tuloy at walang patid sa pagbakuna ang Quezon City Protektodo ni Mayor Joy Belmonte. Maayos din ang report ng bakuna sa Maynila at Makati. Sa Las Piñas nga meron pang house and lot na papremyo si Cong. Camille Villar.

Kapuso stars na walang tpakinabang, may dapat katakutan!

Marami ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa stars ng GMA 7 ngayong naglilipatan na ang ilang stars ng ABS-CBN. Mabigyan daw kaya ng equal time at importance lahat ng stars.

Isang bagay ang tiyak, ‘pag mahusay kang artista, ‘pag hindi ka sakit ng ulo, sure akong maalagaan ka kahit tambak pa ang lumipat.

Isang bagay na napansin ko sa GMA 7, parang may bonding agad sila sa mga tao na nasa bakuran nila. Sa GMA 7 hindi mo feel na merong ranking. Yes, ginagalang mo ang mataas ang posisyon, but they make you feel accepted and belong. Hindi ‘yung may line dividing you from them.

Kaya basta reliable talent ka, hindi pasaway, siguradong hindi ka pababayaan. From top to bottom, feel mo ‘yung feeling family sa loob ng network.

Masalubong mo si Atty. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit, babatiin ka. Sila Mama Lilybeth Rasonable, Ms. Annette Gozon-Valdes, mga top brass, parang regular guy na madaling lapitan.

You had the chance dati, Salve, na makasama sila, at nakita mo how down to earth sila, wala ang title ‘pag magkakasama kayo, isa lang regular meeting of friends. Iyon ang kaibahan ng GMA 7, tunay na Kapuso, kaya naman may assurance ka that you will always belong.

Kaya huwag matakot, basta ok ka hindi ka mawawalan ng trabaho. Matakot ka ‘pag totally walang pakinabang sa iyo, Dapat lang talaga na itapon ka na, hah hah, joke joke. Stay put lang, tiyak, maganda ang resulta.

vuukle comment

CONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with