_ngayon
^

PSN Showbiz

Bagong single ni Yeng na ‘kumapit,’ maghahatid ng lakas at pag-asa

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong single ni Yeng na âkumapit,â maghahatid ng lakas at pag-asa
Yeng
STAR/ File

Nagbabalik si Yeng Constantino para maghatid ng inspirasyon gamit ang musika sa bago niyang single na Kumapit, tungkol sa halaga ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok na mapapakinggan simula sa Biyernes (June 11).

Isang piano ballad ang kanta kung saan tampok ang emosyonal na pag-awit ng Kapamilya singer at ang lyrics na nagpapaalalang kahit hindi man nakikita ng mga tao ang Diyos ay palagi Siyang handa na magbigay ng pagmamahal at pagtanggap sa lahat.

“Sana habang pinapakinggan nyo ‘to mabigyan kayo nito ng pag-asa, lakas ng loob and kalakasan. Laging nandyan ang Diyos para sa’tin! Kumapit lang tayo sa Kanya,” ani Yeng.

Kolaborasyon ng Star Music at Reverb Worship ng CBN Asia ang Kumapit na isinulat at kinompose ni Yeng, in-arrange ni Tommy Katigbak, at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Ito ang unang solo music release ni Yeng ngayong 2021 matapos niyang i-release ang Dasal noong 2020. Nag-record din siya ng duet kasama si Piolo Pascual noong isang taon para sa single nitong Iiyak Sa Ulan.

YENG CONSTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with