_ngayon
^
Bitoy gustong mag-ala Ogie
Bitoy
STAR/ File

Bitoy gustong mag-ala Ogie

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2021 - 12:00am

Ngayon lumitaw na ang totoong kuwento kung bakit sinasabing hindi na pumirma ng exclusive contract sa GMA 7 si Michael V. Siguro may balak na siyang humanap ng panibagong “green pasture.” Iyong isa niyang show na kung ilang panahong top rater ay mukhang mapapalitan na ngayon. May sinasabi silang prequel ng Pepito Manaloto. Same characters pero noong panahong mga bata pa sila. Kaya nga ang buong cast ng Pepito Manaloto, kabilang na si Bitoy ay mawawala na.
Si Bitoy ay kilala rin namang idea man kahit na sa Bubble Gang, pero ngayong may bago nang director ang show baka hindi na rin naman ganun ang sitwasyon niya. Natural lang na magkaroon ng mga pagbabago, at hindi kami naniniwala na director lang ang mababago, baka nga dala rin ang creative team niya dahil comedy iyan eh at kailangan tama ang kombinasyon ng mga taong gumagawa niyan.

Talaga namang nangyayari ang ganyan. May panahong namayani sa lahat ng comedy shows ng GMA sina Bitoy at Ogie Alcasid, pero pana-panahon lang talaga. Unang nawala si Ogie at napunta noon sa TV5, kaso wala ring nangyari sa mga project niya sa TV5, kaya tumalon naman siya sa ABS-CBN, pero hindi na prime assignments ang nakuha niya.
Siguro naman sa nangyari kay Ogie, alam na rin ni Bitoy kung ano ang kanyang kasasapitan kung dumating ang isang araw na hindi niya gusto. Wala naman siyang sinasabing aalis na siya sa GMA pero iyong hindi niya pagpirma ng kontrata at sa nangyayaring mga pagbabago ngayon sa programming ng network, mukhang ito na nga yata iyon. Siguro naman handa na siya.
Hindi lang kay Bitoy mangyayari iyan kundi sa iba pa ring mga dating artista ng GMA, na posibleng masagasaan ng mga lilipat na stars ng ABS-CBN, lalo ngayong lumipat na rin ang ibang executives ng Dos sa dati nilang kalaban. Maraming mahihikayat iyan.
Eh ganoon talaga ang buhay. Lahat naghahanap ng mapagkakakitaan. Kung wala nga naman silang makukuha sa dati nilang network para mabuhay, talagang li­lipat sila. Iyon namang madadatnan nilang masasagasaan, lilipat din iyan sa iba.

Sigurado na…

Ang labanan kasi ngayon ay hindi lang pera at hindi lang ang kanilang kikitain. Saan ba sila mas makikita at mapapanood ng publiko para mapanatili nila ang kanilang kasikatan? Kasi kahit na gaano pa kalaki ang kinikita mo, wala namang nakakapanood sa ginagawa mo, lulubog ka rin at darating ang araw na barya na lang ang ibabayad sa iyo, kaya importante ang exposure talaga.

Eh sa ngayon, saan ba sila makakakuha ng magandang exposure, ‘di ba sa mga istasyong on the air lang? Iyong mga magkakasunod na nangyari at ang political situation sa bansa, aminin natin na mukhang hindi pabor ngayon sa ABS-CBN. Ano ang gagawin ng kanilang stars?
Hindi pa pumipirma ng kontrata pero sigurado na si John Lloyd Cruz. Maugong nang pati si Piolo Pascual magbabalik sa GMA, dahil diyan naman siya nagsimula, doon sa That’s Entertainment. May isa pa rin daw malaking male star, na nanggaling din noon sa Channel 7, wala nga lang nangyari, ang tatalon ngayong pabalik. Survival na kasi ang usapan ngayon eh.

Pero oras na mangyari nga ang lahat nang iyan, sinu-sino naman ang magiging casualty?
Marami rin ang magiging casualty sa mga star ng GMA, kaya nga marami na rin ang pinakawalan nila. Sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon, tumalon naman sa ABS-CBN kahit walang franchise. May mga tatalon din sa ibang network, siguro ang wala lang makukuha iyong nag-aambisyong istasyon pero sa social media lang naman nakikita at hindi rin napapanood kahit na on the air sa TV. Kaya man nilang magbayad, wala rin namang nanonood sa kanila. Eh mas malaki pa ang audience ng ABS-CBN kahit na sa cable at sa internet lang. Talagang sa ngayon ay labanan na lang ng taktika kung papaanong magsu-survive ang mga artista.
 

GMA 7
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with