_ngayon
^
GMA, take it or leave it  ang offer na tf kay Bea?!
Marian
STAR/ File

GMA, take it or leave it ang offer na tf kay Bea?!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2021 - 12:00am

Marian ayaw… Dingdong pini-pressure kumandidato sa 2022?!

Ahh hindi pala handang tapatan ng GMA 7 ang talent fee ni Bea Alonzo. Take it or leave it diumano ang kasalukuyang ganap sa negotiations.  

Ayon sa isang reliable source ng Take It… Per Minute, Me Ganun! sagot daw ng isang top gun ng Kapuso network, hanggang sa ganun lang ang puwede nilang ibigay. Dagdag pa diumano ng top gun, bakit pa siya (Bea) lilipat kung ganun kalaki ang talent fee nito, nang makita nga ang sinasabing TF ng actress sa ABS-CBN noon.

Ito diumano ang rason kaya hindi pa matuluy-tuloy ang nego between Bea’s camp and GMA.

Samantala, isa pang pinag-usapan sa TIPMMG nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin na birthday episode rin Mr. Fu, ang tungkol sa hiatus ni Marian Rivera sa social media.

Ayon kasi sa source, pini-pressure diumano si Dingdong Dantes na kumandidatong senador sa 2022 elections.

Diumano ay ito ang rason kaya inactive si Marian Rivera sa social media, dahil ito raw ang unang hindi favor sa pamimilit ng ibang grupo na pakandidatuhin ang mister niyang actor.

Noong nakaraang election ay nabalitang pinakakandidato na si Dingdong.

Oo naman, more than qualified si Dingdong sa posisyon ng senador.

Matalino si Dingdong na oo nga rin at wala siyang experience sa pulitika pero kaya niyang mag-hire ng mga adviser na tutulong sa kanya para maging mas mahusay sakaling manalo.

Saka ang importante naman ngayon, at this point in time, maging tapat sa tungkulin ang mananalo sa susunod na election.

Pero hindi nga mangyayari ang lahat nang ‘yun kung hindi siya magpapa-pressure at walang approval ng misis niyang Kapuso Queen na si Marian.

Anyway, yan at marami pang iba ang pinag-usapan kahapon sa episode 101 ng no. 1 digital talk show ng Pilipino Star NGAYON na napapanood sa lahat ng social media platform ng PSN at Pang Masa.

Kaya sa mga hindi pa nakapanood, maki-team replay sa YT and FB ng PSN dahil mas marami pa silang nakakaaliw na chika at intriga na ikinaloka ng live viewers kahapon.

BEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with