_ngayon
^
Dennis, inaakusahang manggagamit ng kampo ni Julia!
Julia at Dennis
STAR/ File

Dennis, inaakusahang manggagamit ng kampo ni Julia!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2021 - 12:00am

Mukhang wala sa ayos ang akusasyon na ginagamit ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto para makuha ang simpatiya ng publiko.

Bakit gagamitin ni Dennis ang anak niya? At kailangan pa ba niya iyon?

Alalahanin ninyo, matagal nang artista si Dennis, hindi pa tao si Julia. Kilala na siya bilang isang komedyante at ang isang komedyante, hindi mo masasabing nangangailangan pa ng simpatiya ng publiko.

Ang nangyari nga kung ano man ang kanilang naging problema, inako na ni Dennis na kasalanan niya. Inamin niya ang mga pagkukulang niya. Kahit na nga ang pagkakamali ng iba binigyan pa niya ng justification, ano masasabing panggagamit doon?

Ang sinabi lang niya, talagang sumama ang kanyang loob nang hilingin pa sa korte ng mga anak niya na alisin ang kanyang pangalan sa kanila. Kilala na nga naman sila bilang mga Barretto dahil sa ginagamit nilang screen name, pati ba naman sa mga papeles na legal, aalisin pa rin ang apelyido niya?

Pero sinabi rin naman niya na hindi na niya hinabol iyon, at hindi na nga niya alam kung dinadala pa ba ng mga anak niya, particularly si Julia sa kanyang mga legal na papeles ang apelyido niya.

Iyong attitude nga ni Dennis ay bahala na ang mga anak niya kung ano man ang gusto nilang gawin, tutal nagkulang nga siya sa kanila.

Pero makikita mo pa rin sa kanya iyong concern. Noong unang pumutok ang relasyon ni Julia kay Gerald Anderson, pinagtsismisan lang ng mga tao, pero si Dennis bilang ama ay nilinaw niya ang lahat kay Gerald, at pinaalalahanan iyon na huwag lolokohin ang kanyang anak.

Natural na reaksiyon iyon ng isang tatay.

Tapos ngayon sasabihin pa bang ginagamit niya ang anak niya? Nasaan ang katuwiran?

Kung tutuusin, may sarili na namang buhay at pamilya si Dennis, dahil alam naman niya na ang kanilang pamilya ay hindi na mabubuong muli sa kalagayan nila ngayon. Pero hanggang ngayon nagpapakita pa rin siya ng concern sa kanyang mga anak.

Tapos pagbibintangan pa siyang manggagamit?

Fans ni Kathryn sa Indonesia, Nagtanim para sa kanyang birthday

Marami rin palang fans si Kathryn Bernardo sa Indonesia kasi inilalabas naman sa telebisyon doon ang mga ser­yeng ginawa nila ni Daniel Padilla. Either may subtitles o kaya ay dubbed, marami ang sumubaybay doon.
Sa kanilang ginawang celebration ng birthday ng kanilang idol, ang fans ni Kathryn ay nagtanim ng dalawandaang puno, sa isang reserved area na sinasabi rin nilang aalagaan nila hanggang sa maging ganap na puno nga ang mga ito.

Para rin daw iyong support nila kay Kathryn na mananatili till the end.

Maganda ang ginawa ng fans ni Kathryn, dahil sa panahong ito na kalbo na nga ang mga kabundukan at marumi na ang hangin dahil sa kakulangan ng puno, na siyang dahilan din ng mga baha at landslide, aba eh napakaganda niyan.

Sana all. Hindi lang sa Indonesia kundi lalo na rito sa Pilipinas dahil kailangan natin iyan.

Kung sa Indonesia nakapagtanim ng 200 puno ang fans ni Kathryn, dito siguro sa Pilipinas sa rami nila kahit na 200,000 kaya nilang itanim at alagaan.

Showbiz gay, naka-display ang nakolektang undies nng mga artista

Pinagkukuwentuhan nila ang isang “koleksiyon ng kamunduhan” ng isang showbiz gay.

Marami raw iyong naipong pictures at video ng mga artista at male models na talagang mahalay.

Bukod doon, marami na rin daw siyang naipon sa kanyang “underwear collection” na nakuha niya mula sa mga artista at mga poging model  din.

Hindi naman maliwanag kung papaano niya nakuha ang mga iyon. Hindi rin naman sinasabing nakarelasyon niya o naka-date man lang ang mga lalaking iyon.

Hindi naman daw iyon itinatago ng showbiz gay, in fact naka-display sa plastic cases ang kanyang collections at nakikita ng mga bisita sa bahay niya.

JULIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with