^

PSN Showbiz

Showbiz Chika Pantry, pang-second time na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Showbiz Chika Pantry, pang-second time na
Community Pantry

MANILA, Philippines — Ngayong araw na ang #2ndShowbizChikaCommunityPantry.

Aligaga si Nay Lolit Solis since two weeks ago kaya pati si Nay Cristy Fermin naging busy at backup kami nina Jun Nardo and Gorgy Rula.

Ang saya nung first time. Parang reunion sa maraming kasama sa panulat na biglang sa mga Zoom conference naging abala dahil nawalan ng mga face to face event.

Before pandemic, bukod sa press conferences and other press event, puwede kang manood ng mga concert at sine. As in, ngaragan ang peg. Ngayon, normal na nasa bahay na lang ang karamihan sa entertainment writers / columnists.

Buti na lang talaga at naisip ni Patricia Non ang community pantry na maraming nagsunuran.

Kakabilib kasi dahil doon, ang daming nakaisip magpa-pantry kahit hindi mayayaman.

Like si Aling Susan Vecina Santos na relative ng namayapang award winning actor na si Bernardo Bernardo. Nagpa-pantry siya at approximately 120 families ang na-benefit nito.

At hindi lang isang beses niya ito ginawa, naka-tatlong beses na siya. At ang bongga, super systematic diumano ang mga naganap na pantry ayon sa ilan niyang neighbors dahil may ticket na idinistribute para ma-maintain ang social distancing.

Oo nga’t may health crisis, pero lumutang naman sa mga Pinoy ang pagiging generous.

Anyway, kasama sa sponsors ng 2nd showbiz pantry sina Cong. Niña Tadura, Willie Revillame and MTRCB Chair Rachel Arenas.

 

 

COMMUNITY PANTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with