_ngayon
^

PSN Showbiz

'Kanin at toyo lang': Kim Chiu, Vice Ganda ichinika hirap ng buhay nila rati

Philstar.com
'Kanin at toyo lang': Kim Chiu, Vice Ganda ichinika hirap ng buhay nila rati
Kuha kina Vice Ganda (kaliwa) at Kim Chiu (kanan) sa episode ng "It's Showtime" ngayong Lunes, ika-6 ng Hunyo, 2021
Video grab mula sa Youtube channel ng ABS-CBN Entertainment

MANILA, Philippines — Bago ang kumportableng buhay, ibinahagi ng ilang Kapamilya noontime hosts ang paghihigpit ng sinturong ginagawa noon ng kanilang pamilya para lang maitawid ang gutom habang lumalaki.

Sa "Reina ng Tahanan" segment ng "It's Showtime," Lunes, nabanggit nina Kim Chiu at Vice Ganda na may mga araw na kanin na hinahaluan ng pampalasa lang ang kanilang pagkain tuwing walang-wala na.

"Oo naman... Umabot kami sa ano, kanin tapos toyo [lang ang kinakain]," wika ni Kim kanina, na unang sumikat sa "PBB: Teen Edition 1" noong 2006.

"Kanin tska UFC catsup," dagdag pa niya.

 

 

Ganyan na ganyan din daw ang naranasan noon ni Vice (Jose Marie Viceral sa totoong buhay), na toyo o kondensada lang ang inihahalo sa kanin paminsan-minsan.

Dagdag pa niya, nasanay lang daw talaga silang ganoon ang kinakain habang hindi alam na dumaraan na pala sa problemang pinansyal ang kanilang mga magulang.

Tuwing hirap, "chicken noodle soup" o miswa't sardinas na lang daw talaga ang laman ng kanilang tiyan ng tanyag na komedyante, na nagsimulang makilala bilang stand-up comedian para sa Punchline at The Library.

"Kasi magkano lang 'yun eh [sardinas at miswa]. Tapos dadamihan mo ng tubig," banggit pa niya.

Sa kabila ng lahat ng ito, regular na silang napapanuod ngayon sa telebisyon, maliban pa sa ilang top-grossing films sa kasaysayan ng Pilipinas.

Dati nang ikwinento ng tinaguriang "Chinita Princess" na pinanghihinayangan niya ang hindi pagtatapos ng kolehiyo, at nagpe-perform lang nang naka-rubber shoes dahil walang pambili ng sariling boots— James Relativo

IT'S SHOWTIME KIM CHIU POVERTY VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with