^

PSN Showbiz

Tony, sinubukang makipag-ayos sa nagdemanda!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Tony, sinubukang makipag-ayos sa nagdemanda!
Tony

Isang babaeng hindi pinangalanan ang nag-akusa kay Tony Labrusca na hinila diumano ang strap ng kanyang damit kaya siya nahubaran at lumabas ang kanyang dibdib. Kasabay noon may iniharap ding reklamo ang negosyanteng si Drake Dustin Ibay, dahil diumano sa pananakal sa kanya ni Labrusca habang tinutulungan niya iyong bumaba sa hagdan. Sinabi nilang lasing si Labrusca nang maganap ang lahat.
Matagal nang nangyari iyan, na-delay ang pagsasampa ng demanda dahil diumano ay gustong makipag-ayos ng kampo ni Labrusca sa complainants. Nag-iimbita raw ng isang dinner kung saan hihingi ng apology si Labrusca sa mga biktima, pero hindi nangyari iyon, at desidido ang complainants na ihain ang kanilang demanda. Isinumite na nga nila noong isang araw ang kanilang reklamo sa piskalya sa Makati.
Hinihintay naman diumano ngayon ng kampo ni Labrusca ang kopya ng reklamo para maibigay niya ang kanyang sagot.
Sinasabi naman ng mga biktima na apat na testigo ang maaaring humarap para magpatotoo sa ginawa ni Labrusca, bukod pa sa video foo­tage na kuha ng CCTV, sa ta­hanan ng negosyanteng si Dennis Ibay na isa rin sa mga testigo laban sa male star. Nanawagan naman ang abogado ni Labrusca sa mga mamamayan na huwag agad maniwala sa mga bintang laban sa kanyang kli­yente, pero hindi nga maiwasang mabanggit ang init ng ulo ni Labrusca.

Nangyari iyan nang sigawan niya ang isang immigration officer na nagtatak ng kanyang pasaporte ng tourist permit, na tama naman dahil siya ay isang American citizen. Nangyayari lamang ang extended permit to stay kung kasama niya ang kanyang mga magulang na balikbayan.

Humingi ng dispensa si Labrusca, at siguro nga pinagbigyan din siya dahil artista siya ng ABS-CBN. Kung karaniwang tao iyon, kinasuhan at deported na iyon.
Ngayon hindi natin alam kung ano nga ba ang mangyayari sa kasong ito, na hindi nga siguro niya maikakailang ginawa niya habang siya ay lasing. May palagay na siguro akala niya katuwaan lamang iyon, pero hindi natanggap ng mga biktima. Hintayin na lang natin ang desisyon ng korte.
Kung palalabasin namang lasing lang kasi siya noon, baka mas makaapekto sa kanyang estado sa bansa dahil nananatili siyang American citizen, at maaaring ideklarang undesireable alien.

ABS-CBN properties, isinailalim sa mortgage registration

Kasabay ng pagpapalabas ng press release ng ABS-CBN na bubuksan nila bago matapos ang taon ang kanilang studios sa San Jose del Monte na ginastusan ng 700 milyon, nabalita namang ang kanilang properties na nagkakahalaga ng 14.5 bilyong piso ay isinailalim sa mortgage registration para maiwasan ang loan default, dahil sa mga pagkakautang ng network na hindi nila nababayaran simula nang masara ang network.
Ibig sabihin noon, kung dumating ang takdang panahon at hindi sila makabayad ng kanilang utang sa bangko, maaari nang dispatsahin ng bangko ang properties na iyon. Hindi naman tinukoy kung anu-anong properties iyon na umaabot sa halagang 14. 5 na bilyong piso.
Nagpahayag ang ABS-CBN ng pagkalugi simula nang masara sila at hindi na bigyan ng bagong franchise ng gobyerno. Inaasahan nila na maaari nilang ayusin iyon pagkatapos ng administrasyon ni Presidente Digong, pero kung magpapatuloy ang mga kaalyado ng presidente, mukhang malabo pa rin nga sila.

Gay male star, nangongolekta ng nude photos ng mga Pinoy celeb

May bagong past time sa panahon ng lockdown ang isang gay male star. Sinasaliksik niya ang paid gay websites at naghahanap siya ng nude photos ng mga Pinoy celebrities. Marami na raw siyang naipon.

Iyon namang nude photos ng male stars noong araw na wala pang internet, binibili niya ang mga kopya sa ibang collectors.

Marami rin siyang pictures ng isang BL star na ang sabi ay binayaran naman daw niya at siya mismo ang kumuha ng pictures.

Pinalalabas niyang hobby niya ang photography at ang ginagawa niya ay “figure study.”

Pati nga ang isang dating male sexy star, dinayo pa niya sa isang probinsiya para kunan ng picture.

TONY LABRUSCA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with