^

PSN Showbiz

Pokwang at Beauty, natuloy na sa pagiging Kapuso

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pokwang at Beauty, natuloy na sa pagiging Kapuso
Pokwang
STAR/ File

Ang bilis kumalat ang usap-usapang magiging Kapuso na si Pokwang pagkatapos niyang ipinost sa kanyang Instagram account na ang GMA 7 building ang background. Parang nasa dressing room siya ng GMA 7 dahil may ilang staff ng network na nag-comment na familiar sila sa lugar na puwesto ng komedyana.

Dinagdagan pa ng comment ni Carla Abellana na “Wowowowow! Welcome!”

May ilang taga-Kapamilya network ding nag-comment na masaya sila para kay Pokwang.

Walang sagot ang ilang taga-GMA 7 na tinanong namin, at pati ang taga-GMA Ar­tist Center na ang nasagap namin ay hahawakan na raw ito ng GMAAC. Nabalitaan din naming may taping na siya sa isang weekly drama anthology, at may guesting din siya sa isang comedy show. May ilang Kapuso stars ang bumati rin sa kanya dahil makakasama sila sa iti-tape ni Pokwang.

Bukod kay Pokwang, malakas din ang usap-usapang may gagawin na ring drama series si Beauty Gonzalez.

Ikinomit na dati si Beauty ng manager niyang si Arnold Vegafria, pero umatras ang aktres pagkatapos ng isang guesting. Pero this time ay tuloy na raw siya at kasali nga raw sa isang binubuong drama series.

Balik-GMA na rin daw si Sid Lucero na ang nakarating sa aming kuwento ay kasama siya sa The World Between Us ni Alden Richards, Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.

Ang isa pang inaayos na rin daw ay ang isang afternoon drama na makakasama si Ejay Falcon.

Walang sagot ang mga taong nagha-handle sa kanila, kaya malakas ang kutob naming totoo itong kumakalat na kuwento.

Jelai kinasuhan ang asawa

Pursigido ang kilalang vlogger at aktres na si Jelai Andres na tapusin na ang relasyon nila ng asawa niyang si Jon Gutierrez. Tinambakan niya ito ng kaso, dahil bukod sa Anti-Violence Against Women and Children o Rep. Act 9262 na isinampa niya laban kay Jon, meron na naman siyang isinampang kasong Concubinage na isinumite niya sa Department of Justice noong nakaraang Martes, June 1.

Nandun din si Jon noong araw na iyon para daluhan ang hearing ng Anti-VAWC na kaso. Pero sandali lang daw roon ang miyembro ng Ex-Battalion at tumanggi itong magpa-interview sa media. Nagsalita naman si Jelai sa media tungkol sa bagong kasong isinampa. “Meron pa po akong na-file na ibang cases sa ibang taong involved maliban kay Jon.  Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos ‘yung kabilang panig pa ‘yung naghahamon at parang matatapang. I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.

“Hopefully people will learn sa mga nangyari, lalo na ‘yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage. We all know na ‘yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya at sa batas ng tao ay krimen talaga siya,” pahayag ni Jelai.

Sabi naman ng legal counsel niyang si Atty. Faye Singson, “Aside kay Jon, meron pa kaming dalawang isinali. Pero at this point dahil nag-submit na kami ng formal complaint, we just leave it to the parties to receive for proper documentation para sila naman mabigyan ng chance na sumagot.”

Hindi lang daw  nila mabanggit kung sino ang dalawa pang sinampahan ng kaso at baka mapaglaruan lang sa social media. Kaya ginawa raw ito ni Jelai dahil sa gusto naman daw niyang mabigyan ng tamang hustisya ang inabot niyang trauma at patuloy daw na pagtapak sa kanyang pagkatao.

GMA 7

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with