^

PSN Showbiz

Albee at Javi,mas tutok na sa pulitika!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Albee at Javi,mas tutok na sa pulitika!
Albee
STAR/ File

Nahaharap pa kaya ni Papa Albee Benitez ang Brightlight Productions?

Narinig ko na silang dalawa ng anak niyang si Javi Be­nitez ang  parehong tatakbo sa magkaibang city sa Negros.

Kung dalawa sa top gun ng Brightlight ang nasa ibang direksiyon ang mga mata, sino na ang over all na magde-decide para sa production? Baka mamaya mawala na rin ang enthusiasm ni Pat-P Daza sa production na talagang very bright ang tingin niya noong una pero midway pa lang nag-dimlight na at baka mauwi sa blackout.

Mukhang hindi nga showbiz ang magiging daigdig ni Papa Albee at Javi. Puwede na interesado sila sa mga taga-showbiz, pero as business mukhang hindi ito ang landas nila.

Mas lamang na politics talaga ang buhay nila, mas alam nila ang ikot kesa sa showbiz na medyo nahihilo pa sila.

Sayang nga ang magandang start ng Brightlight, punung-puno ng hope at ideas, pero nawindang agad. Now mas mukha pang lumalabo dahil na nga sa pagka-busy ng father and son sa kanilang political career.

Mukha namang unbeatable sa political ring ang mga Benitez, kaya better choice talaga.

Ang Brightlight iwanan muna kay Pat-P, para tuluy-tuloy ang Lunch Out Loud. Kayang-kaya niya iyon kahit work from home. Brightlight, may occasional brownout muna, ‘pag lumakas kuryente, baka maging very bright, kundi tuluyang i-cut off noh!

Basta wait lang, mag-decide muna ang bright heads ng production.

Christopher at Ruru, maganda ang kombinasyon

Ang husay ni Christopher de Leon sa guesting niya sa Wish Ko Lang. Very now at dramatic ang istorya.

Dapat talaga ‘yung mga sensitive na role sa veteran actors ibinibigay, para nagagawa nang mahusay ang isang sensitive na istorya.

Kung hindi siguro isang tulad ni Christopher ang gaganap ng role, baka iba ang maging dating.

Kahit nga sa Lolong, ang suwerte ni Ruru Madrid dahil isang Christopher de Leon ang kanyang main support.

Exciting tuloy na ngayon pa lang gusto mo nang makita ang pagsasama nila sa screen. Mahusay din naman si Ruru, kaya for sure swak ang acting scenes nila sa Lolong.

ALBEE BENITEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with