_ngayon
^
Ella Cruz na-bully dahil sa hitsura!
Ella
STAR/ File

Ella Cruz na-bully dahil sa hitsura!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 3, 2021 - 12:00am

Tanggap na tanggap ni Ella Cruz na hindi siya katulad ng ibang mga celebrity na suki sa mga magazine cover dahil sa kanilang ganda. Meron naman daw siyang natanggap na award na validation na nagma-matter siya sa showbiz, kaya happy na rin siya.

Si Ella ang bida sa latest project ng controversial director na si Darryl Yap, ang writer-director ng blockbuster movie na Jowable, at Vivamax original movies na Paglaki ko, Gusto Kong Maging Pornstar, Tililing, at Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang pelikulang  Gluta, ang comedy-drama movie na tiyak umanong “relatable.” Ipalalabas ito sa Vivamax simula July 2, 2021.

Nagwagi na bilang 2019 Cinemalaya Best Supporting Actress si Ella na umaming nabu-bully din noon dahil sa kanyang hitsura.

Tatakbo ang kuwento ng Gluta sa isang katutubong Aeta na nangangarap maging isang beauty title holder.

Simula noong bata pa lang siya, nilalait na siya ng mga tao dahil sa angkin niyang kulay, ngunit sinabi niya sa sarili na kahit ganoon ang kulay niya, maganda siya at papatunayan niya sa mundo na mananalo siya sa isang beauty contest.

Sa paaralan ni Angel ay magaganap ang Miss University pageant. Dahil sa isang masamang balak, papasok ang pangalan ni Angel bilang representative ng Miss Tourism. Para tuluyang masira si Angel, gagamitin ni Lovely si Bambino—ang crush ni Angel para saktan ito.

Habang hinahamak siya ng mga tao, lalo namang ipagmamalaki ni Angel ang kanyang sarili.  Magpo-focus ito sa Miss University pageant kung saan masusubok ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Excited si Ella Cruz sa proyektong ito dahil ito ang unang pelikula niya kasama si Darryl Yap bilang direktor.

Si Bambino ay gagampanan ni Marco Gallo, dating Pinoy Big Brother housemate, na isa na ngayon sa heartthrobs ng Viva.

Kasama rin sa Gluta si Juliana Parizcova Segovia bilang Uncle Goliath, na sikretong gumagamit ng glutathione at kabahagi ng LGBT. Si Rose Van Ginkel ang gumaganap bilang si Lovely, at mahalaga rin ang papel ni Cristina Gonzalez bilang guro ni Angel na nagsabing hindi siya maaaring maging anghel sa isang palabas dahil sa kulay ng kanyang balat.

Panoorin ito ngayong July mula sa ‘twisted mind’ ni Darryl Yap, saksihan kung paano ipakikita ng pelikula ang mahalagang mensahe na “Walang kulay ang kaligayahan.”

ELLA CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with