^

PSN Showbiz

Chair Liza at Ice, sa Amerika bubuo ng anak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Chair Liza at Ice, sa Amerika bubuo ng anak!
Chair Liza at Ice
STAR/ File

Sinalubong ang buwan ng Hunyo ng Pride Month celebration na  kahit pandemya ay may pinaghahandaan na ang buong LGBTQIA+ ng bansa.

Ang ilang ahensya ng gobyerno na may selebrasyon sa Pride Month ay ang Department of Health at Film Development Council of the Philippines na may inilunsad na ring gay film festival. Ito ang PelikuLAYA, na magsisimula na sa June 4 hanggang 30 na mapapanood sa FDCP Channel.

Ang tema nito sa pangalawang taon nila nang pagsasagawa nito ay Sama-Sama, Lahat Rarampa! Maraming activities at Pinoy gay films na mapapanood.

Para ma-update kayo, puwede kayong mag-subscribe sa www.fdcpchannel.ph at doon puwedeng i-check ang buong schedule at meron din sa kanilang Facebook account na updated schedule.

Sa nakaraang mediacon nito ay muling napag-usapan ang balak nina FDCP Chairperson Liza Diño at Ice Seguerra na magka-baby na miyembro ng LBTQIA plus. Dahil sa hindi naman nari-recognize dito sa ating bansa ang mag-asawang miyembro nito, mahirap daw sa kanila na mabigyan ng pangalan ang kanilang magiging baby.

Iyon kasi sana ang gusto nilang gawin, si Liza ang magdadala sa sinapupunan niya ng baby mula sa egg cell ni Ice at meron lang sperm donor. Pero walang pangalan si Ice sa baby dahil sa hindi siya kikilalaning magulang ng kanilang magiging anak.

Kaya kung sakaling itutuloy man daw nila ito, gagawin nila ito sa Amerika, dahil nari-recognize doon ang gay couple. “Anak po ito ni Ice pero wala po siyang karapatan kasi sa atin ang perception ng pagiging ina is kung sino ‘yung physically nagpaluwal sa bata. Pinag-uusapan po namin ‘to lagi, kung paano po namin ito mai-insure ‘yung rights. We’re actually planning if I do get pregnant, to give birth in the US para… kinikilala po kasi roon ang marriage namin, and Ice will be the father and we will be recognized nang normal.

“Pero dito po kasi sa atin, ang daming magiging kumplikasyon because of the situation,” pahayag pa ni Liza.

Ken, umaming mahirap ang pinagdaanan sa ipapalabas na serye

Ramdam na ramdam ko ang emote ni Ken Chan sa kanyang Instagram post tungkol sa bagong afternoon drama nila ni Rita Daniela na Ang Dalawang Ikaw. Bahagi ng caption niya sa litrato nila ni Rita sa IG post na iyon, “Hindi biro ang mga pinagdaanan namin para makabuo ng isang napakagandang serye. Naglaan kami ng panahon at oras para makalikha ng isang istoryang magbibigay aral sa inyong lahat.”

Hindi na lang pinag-usapan, pero totoong ma­tindi ang pi­nagdaanan nila sa taping nito kaya na-delay nga ang airing ng kanilang drama series.

Pero tuluy-tuloy na sila ngayon, at nasa pangalawang cycle na nga sila ng kanilang lock-in taping.

Sana safe na nga silang lahat para hindi na maantala ang kanilang taping.

Kakaiba ang karakter na ginagampanan dito ni Ken na meron siyang Dissociative Identity Disorder (DID).

Kung napatulala tayo sa napakaganda niyang ayos bilang si Destiny Rose at ibang-iba kaagad ang transition nang i-partner siya kay Barbie Forteza sa Meant To Be, at noong ginampanan naman niya bilang si Boyet sa My Special Tatay ay napaka-convincing at doon nga nabuo ang loveteam nila ni Rita Daniela. Ngayon ay ibang-iba naman ang karakter niya rito sa Ang Dalawang Ikaw na malayung-malayo sa mga nagampanan niya.

Noong nakita ko ang mga kuha niya sa bago niyang drama series, naikukumpara ko siya sa sikat na Korean actor na si Song Joong-ki na kaagad nakapag-adjust sa karakter na ibi­nibigay sa kanya.

Kesehodang pinagmumukha siyang bading sa ibang ginawa niya, kapani-paniwala rin ang karakter niya bilang mafia sa Vincenzo. Ganun ang nakikita ko kay Ken Chan na hindi naman siguro kokontra si Manay Lolit Solis kung sasabihin kong si Ken na ang Song Joong-ki ng Pilipinas.

LGBTQIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with