^

PSN Showbiz

Piolo magiging kapuso na rin?! John Lloyd hindi nabigyan ng timeslot sa TV5!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo magiging kapuso na rin?! John Lloyd hindi nabigyan ng timeslot sa TV5!
Piolo

Timeslot pala ang naging problema kaya hindi natuloy ang comedy show last year ni John Lloyd Cruz sa Brightlight Productions for TV5.

Ayon sa isang insider ng TV5, hindi naayos ang timeslot para sa Brightlight ni former Congressman Albee Benitez.

Inamin nga ni John Lloyd sa interview sa kanya ni MTRCB Chair Rachel Arenas na meron talaga silang planong gumawa ng sitcom pero hindi nag-materialize.

Si Direk Bobot Mortiz din sana ang magdidirek nito sa Brightlight Productions.

Pero ‘yun nga, sadly, hindi ito nakakuha ng timeslot ayon sa isang reliable source.

Nag-indefinite leave si John Lloyd noong 2017 sa showbiz nang ma-in love nga siya kay Ellen Adarna na pakakasalan ngayon ni Derek Ramsay.

Hindi siya nag-trabaho though practically ay hindi naman daw siya nawala.

Anyway, obviously nawalan agad ng papel ang management group ni Maja Salvador sa pagpirma ng actor ng contract sa WBR Productions ni Willie Revillame.

Last week ay nagpa-press release pa naman sila Maja na officially ay sila na nga ang hahawak sa career ng actor with matching pictorial pa.

Pero ang nakikipag-negotiate ito sa WBR katulong si Mr. Johnny Manahan na hindi maganda ang naging hiwalayan sa Brightlight.

At after daw ni John Lloyd, true ba ang chikang si Piolo Pascual naman diumano ang pipirma ng WBR Productions?

Ne-negotiate rin daw ito sa kasalukuyan nina Mr. M and Direk Bobot Mortiz na tauhan na rin ngayon WBR. Parehong nagtrabaho sa Brightlight sina Mr. M and Direk Bobot after na mawalan ng franchise ang ABS-CBN.

So magiging Kapuso na rin kaya si Piolo tulad ni John Lloyd?

Inactive sa TV and movies si Piolo after ng Sunday Noontime Live sa TV5 na isa sa six shows ng Brightlight last year. Sadly isa na lang ang natira ngayon, ang Lunch Out Loud (LOL).

So tatlo na nga ba sila nina Bea Alonzo na magiging Kapuso?

Pero ang isang siguradong Kapamilya forever ay si Kim Chiu na sinabi sa kanyang latest vlog na  ”hindi, syempre solid Kapamilya tayo. You know naman that Kapamilya is going through something. Together as one, we can do this together. One day, we’ll see the light after the dark.”

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with