^

PSN Showbiz

Contract ng Kapamilya at Kapuso stars, tuloy ang reconstruction

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Contract ng Kapamilya at Kapuso stars, tuloy ang reconstruction
Bong
STAR/ File

Tuwang-tuwa naman ako na happy viewers ng Agimat ng Agila ang mga kasama ko sa bahay sa pangunguna ni Mel.

Sabagay, sa kanila ko na-discover na usually ang viewers may habit na isang network o chanel ang pina-patronize nila. Nung panahong may mga sinusundan akong drama sa ABS-CBN sila Mel, sa GMA 7 talaga nakatutok.

At itanong mo mga name ng artista ng GMA 7 alam nila lahat, except  sa big stars ng ABS-CBN ‘di na nila kilala ‘yung iba.

Sa ibang household naman, Channel 2 ang addiction, hindi type ang Channel 7.

Talagang kanya-kanya sila nang captive audience, kanya-kanya silang followers. Kaya hindi mo puwedeng sabihin na solo ng isa ang mga manonood, dahil for sure, may iba na sa kabila nakatutok.

There was a time nga na kahit pangatlong force na sa TV industry ang Channel 5, at nandun ang mga big star, wala pa ring nangyari, two networks pa rin ang naglalaban lang.

Kaya naging mahirap ang take-off nila kahit pa nga nakuha na ng TV5 sila Sharon Cuneta, Derek Ramsay, Richard Gomez  at Aga Muhlach.

Kaya nga up to now, kahit nawala na ang franchise ng Channel 2, ang dami pa rin artista na gustong mag-stay sa kanila. At suwerte rin naman, na iyon mga naging loyal sa GMA 7 hayun, hindi nawawalan ng trabaho.

Sa ngayon nga, hindi ang stars ang importante, iyon istasyon, iyon bahay. Dapat matatag ang bahay mo, para matatag din posisyon mo. Pati nga pag­hanap ng istasyon ngayon kung saan ka puwedeng magtrabaho may pandemic din, hah hah joke joke.

Kaya tingnan n’yo, dahil uso ngayon ang reconstruction ng contract, kaya parang at a loss kung ano ang gagawin ng iba.

Sana good choice, wise decision. Or else, sopla ang career.

Kris, ramdam ang pagkakaayos nina Joshua and Bimby

Siguro nga dagdag stress kay Kris Aquino ang nangyaring tampuhan for a while ng dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby. Siyempre isa kang mother Salve at alam mo na pag ang iyong anak ay may dinaramdam, feel na feel mo iyon bilang ina.

Ang cute siguro ng magkapatid na lalaki na nagkaroon ng konting tampuhan, lalo pa nga tulad nila Joshua at Bimby na very close sa isa’t isa.

Kitang kita mo na love na love ni Bimby ang kanyang kuya Joshua, at ganundin si Josh kay Bimby. At knowing Kris na para rin bata kung makipag-usap sa mga anak, siguro ang ganda ng palitan nila ng dialogues.

Mabuti naman at sabi nga ni Kris nakita na niya na balik sa dati ang higpit sa yakap ng magkapatid. Na feel niya na wala na ang tampo, na ok na uli ang magkapatid.

Siguro nakabuti din na nasa Tarlac si Joshua at na-miss nang husto ni Bimby, ganundin si Joshua na hinanap din ang yakap ng kapatid. Very modern ang set up ng family ni Kris, hindi iyon usual na ordinary family, kaya siyempre, iba rin ang mga eksena sa loob ng bahay nila.

Pero isang bagay ang sure, love nila ang isa’t isa.

BIMBY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with