_ngayon
^

Confused?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2021 - 12:00am

Bagama’t si Sharon Cuneta na mismo ang nagsabing nagpunta siya sa US para makapag­pahinga at siguro nga iwasan ang pressure dito sa Pilipinas, at sinasabi niyang kailangan niyang mag-recharge dahil siguro rin naman alam niyang mapapasabak na naman siya sa kampanya para sa kanyang asawa sa susunod na taon, hindi kami naniniwala sa ispekulasyong maaari siyang manatili nang matagal sa US.

Bagama’t masasabi nga sigurong mas ok na siya sa US kung talagang gusto na niyang simulan ang kanyang unti-unting retirement tutal naman hindi masasabing maganda ngayon ang takbo ng kanyang career na nakakadagdag pa tuloy sa pressure na kanyang nadarama, palagay namin hindi pa rin siya mananatili sa US.

May nagsasabing baka magtatagal siya roon, katunayan nagpa-bakuna na siya laban sa Covid sa isang ospital doon, palagay namin iyon ay ginawa niya dahil mas pribado roon. Pinapayagan na ang mga ospital sa US na mag-bakuna, gamit ang bakunang choice ng pasyente basta ba ­magbabayad sila eh. Hindi gaya dito sa atin na kailangan kang magpalista at wala kang karapatang mamili kung ano ang bakunang isasaksak sa iyo.

Maraming nakakakila kay Sharon na alam na wala itong balak na manirahan sa US. Kasi kung mayroon, hindi niya ipagbibili ang isang mansion na nabili na niya noon sa California, na noong una ay sinasabi niyang magiging retirement home na niya kung siya ay titigil na sa kanyang career.

Kasi kung narito siya sa Pilipinas, hindi siya makakapag-retire. Laging aasahan ng mga tao na may gagawin siya, at kung wala siyang gagawin, o may gawin man siya pero hindi naging maganda ang resulta gaya ng indie at isang horror movie na ginawa niya, parang dagok pa iyon, kasi sa Pilipinas ang inaasahan laging mataas ang kanyang popularidad dahil megastar nga siya.

At saka ang pulitika, hindi niya maiiwasan, lalo na nga’t tatakbo ang kanyang asawa sa isa pang pagkakataon. Kailangang paghandaan niya iyan.

Hindi siya dapat na masyadong confident, nakita
na naman natin ang nangyari sa political debut ng kanyang kapatid na ipinagkampanya niya all out sa teritoryong ang paniwala nila ay sa kanila dahil record ng tatay nila. Maraming nangyaring hindi nila
inaasahan at nasapul sila roon.

Nasa gitna ng alanganin ang katayuan ngayon ni Sharon, at maski sino ang nasa katayuang iyon ay hindi makakapag-desisyon kung siya ay magre-retiro o hindi.

Alice na-bash sa second jab!

Inulan ng batikos si Alice Dixson nang mabalitang tinanggap niya ang second dose ng Pfizer vaccine pa naman sa Sta.Ana Hospital.

Palagay namin hindi naman magiging issue iyon sa mga taga-Maynila kung hindi nga lamang inilabas pa sa social media.

Ang naging issue kasi, tinanggap niya ang first dose ng kanyang bakuna sa US, Pfizer iyon. Umuwi siya ng Pilipinas nang hindi na hinintay ang second dose ng kanyang bakuna sa US. ­Pagdating dito, isa siya ay mga naunang nabakunahan ng limitadong supply ng Pfizer.

Kaya may nagparinig agad, dahil ba artista ­naging priority agad?

Pinayagan ba iyon ni Yorme dahil si Alice ay isang artista ring kagaya niya? Hindi raw ba ­kailangan mai-prisinta mo sa vaccination center ang card mo ng unang bakuna para bigyan ka ng ikalawa, at maliwanag na hindi naman siya sa Maynila unang nabakunahan.

Isa pang sinasabi
nilang hindi maliwanag ay kung residente nga ng Maynila si Alice, dahil dati may pahayag siyang may bahay siya at residente na ng Boracay.

Male star, nagmadali sa  bakuna dahil sa demand ng pulitiko

Puring-puri ng isang grupo ang isang male star na isa raw sa unang-unang naturukan ng Astra Zeneca at nang dumating ang kanyang schedule para sa kanyang second shot, dumating din siya sa takdang panahon. Sabi nga nila, mukhang talagang concerned siya sa kanyang kalusugan.

Iyon pala, kaya naman ganoon ay dahil iyon ang demand ng isang politician na lagi niyang nakakasama, “kailangan makumpleto niya ang bakuna kung gusto niyang magtuluy-tuloy ang ayuda nila sa isa’t isa”. Eh sa ngayon, ang ayuda lamang ng politician ang inaasahan ng male star. “Wala lahat ngayon bagsak ang negosyo, politician lang ang may extra money,” sabi pa diumano ng male star sa kanyang mga barkada.

At saka dahil din naman sa katotohanang laos na siya, at hindi pa marunong umarte ang gay politician na nga lang ang inaasahan niya, kaysa sa magbenta pa siya ng sex video.

ALICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with