_ngayon
^

Mga beauty queen, stepping stone lang ang showbiz

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2021 - 12:00am

Ang pagiging beauty queen, isang taon lang ang reign ng mga ‘yan, at sa lahat ng hirap at pagod mo, wala kang aasahan kundi ang premyo. Iyong iba nagiging commercial endorser, pero ang mas marami ang pumapasok na artista, kasi nga maganda at med­yo sikat na. Ang natatandaan naming unang beauty queen na naging artista ay si Lalaine Bennet.

Siya rin ang kauna-una­hang Pilipino na napansin sa Miss Universe nang siya ay maging third runner-up noong 1963. Pagkatapos noon nagkasunud-sunod na ang pelikula ni Lalaine.

Baliktad naman ang nangyari kina Ruffa Gutierrez at Pia Wurtzbach, na naunang nag-artista bago sumabak sa beauty contest.

Maraming iba pang beauty queens na sumabak sa showbiz. Una na nga siguro si Pilar Pilapil na naging Miss Universe Philippines noong 1967.
Biglang sikat din sa kanyang unang pelikulang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa si Miss Gloria Diaz, ang unang Pinay na naging Miss Universe noong 1969.

Sumunod din sina Maria Isabel Lopez, Charlene Gonzales, Miriam Quiambao, Bianca Manalo, Venus Raj, Precious Lara Quigaman, Kylie Verzosa, Maxine Medina, Marielle de Leon, at siyempre si Alice Dixson.

Walang dudang ang mga beauty queen na iyan ay magaganda, matatangkad, talagang panlaban sa international competitions, pero ibang klase ang mga Pinoy dahil ang sinasabing naging mga pinaka-sikat na aktres sa buong panahon ay sina Vilma Santos at si Nora Aunor, na kapwa hindi matangkad.

Bagama’t may porma naman hindi mo masasabing sexy talaga. Hindi naman kasi nila kailangang magpa-sexy. Si Nora Aunor kumanta lang ayos na.

May natatandaan nga kaming kuwento eh. Lumabas na maikli ang isang pelikulang ginawa ni Nora. Eh playdate na kinabukasan, para humaba kinuha ang isang playback sa isang dating pelikula at idinugtong sa bago. Lusot iyon at kumita pa ang pelikula.

Maski na si Ate Vi ganyan noong araw. Hindi na napag-aralang mabuti ang gagawing pelikula, dahil hindi pa nga natatapos ang isa, nagkakagulo na ang bookers ng sinehan kung ano ang gagawin niyang kasunod na pelikula, at may playdate na agad iyon para masiguro ng sinehan ang patuloy na kita.

Kaya kung sabihin nga nila, kailangan maganda ka bago ka pa man mag-ambis­yong mag-artista, maliban na lang kung comedian ka.

Pero hindi sa lahat ng panahon, ganda lang ang puhunan.

Liza, itinangging ‘igaganti’ si Rabiya

Libu-libo agad ang nag-react nang diumano ay sabihin ni Liza Soberano na sasali siya sa Miss Unverse sa susunod na taon para makabawi kung ni hindi man nakapasok sa top 10 si Rabiya Mateo.

Siyempre magkakagulo ang mga tao dahil isipin mo nga naman si Liza sasali.

Pero biglang lumabas na “poser lang ang Liza Soberano” na nagsabing sasali siya sa Miss Universe. Kinumpirma mismo ni Liza na hindi siya iyon sa kanyang “confirmed social media account.”

Kaya ang social media, hindi talaga dapat na pinagtitiwalaan, dahil karamihan diyan ay posers lang.

Ang dami nga naming kakilala na nagagamit ang picture ng mga nagpapanggap na sila nga iyon.

Pink peso, ligtas sa tax

Totoo ba ang sinasabi nilang bumubuhos ang “pink peso” sa internet.

Ang tinatawag na “pink peso” ang sinasabi nilang pera na nagmumula sa gay audience.

Sinasabi nila iyan dahil may claims na kumita raw nang halos kalahating milyon ang isang social media influencer na gumawa ng gay sex video.

Pero teka, ang unang tanong namin hindi ba dapat sinisingil din ng tax ang gumagawang iyan ng sex video, ang laki pala nang kinikita.

Pero duda kami diyan sa sinasabi nilang power ng pink peso. Kasi kung totoo iyan bakit hindi kumita ang lahat ng mga gay indie na ginawa noon, na kung tutuusin mas mahusay ang pagkakagawa at mas may hitsura ang mga artista kaysa sa mga bakla ring gumagawa ng sex videos ngayon?

Maski iyong gay movies ni Coco Martin hindi rin naman naging box-office hits noong araw. Iyong   gay series sa internet, ok lang noong libre pero noong maningil na sila wala na ring nanood sa kanila.

Papaano mo sasabihin na malakas ang dating ng pink peso?

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with