_ngayon
^
Miss Mexico nakuha ang korona Rabiya hindi naka-ariba, Miss Thailand copy cut ni Catriona
Miss Mexico

Miss Mexico nakuha ang korona Rabiya hindi naka-ariba, Miss Thailand copy cut ni Catriona

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Over acting ang ibang local beauty pageant fans. Over ang ginawang pagmumura sa social media lalo na sa YouTube nang hindi makapasok sa Top 10 ang representative ng ating bansa na si Rabiya Mateo sa katatapos lang na 69th Miss Universe Competition na napanood sa A2Z.

As if may magaganap na pagbabago sa kanilang pagmumura.

Kung sabagay, super taas ang expectation ng lahat kay Rabiya dahil na rin sa hype and push ng mga nasa likod ng Miss Universe Philippines.

At makikita naman na ginawa niya ang lahat. Pero sadly, hindi naka-ariba si Rabiya. Mabilis na natapos ang kanyang laban nang tawagin ang Top 10. Hanggang Top 21 siya napasama.

Imagine, isa siya sa pinaka-unang lumipad sa Amerika para mag-pictorial at ma-feel ang environment since first travel ito ng Ilonggang beauty queen.

At naka-pin sa Twitter account ni Rabiya ang tweet niya noong Dec 10, 2020 na “5th MUC crown for the PH,” kaya talagang umasa ang lahat.

Pero talagang wala sa social media ang labanan, may mga huradong humusga sa 74 candidates.

Saka ang gaganda rin kasi talaga ng mga kalaban at napag­handaan ng mga contestant. Bukod sa majority ay confident, parang ini-enjoy lang nila ang laban. Si Rabiya, pansin nila na may tension habang rumarampa nang pumasok sa Top 21.

But anyway, hinangaan naman talaga siya at tumatak ang message ng Pinay candidate sa intro ng Top 21. “I really had my humble beginnings and  education has transformed by life, now i am a  and i hope that my students will see the value of education the way that i saw it

“I live in a country where there’s a lot of poor families and education is our social equalizer that regardless of what background we have, the status of your family, if you educate yourself you will be able to land a great job.”

Kino-konek din siyempre ang pagkatalo ni Rabiya sa isyu ng Pilipinas at Amerika sa dalawang beses na pag-disapprove ng ating pamahalaan sa Visiting Forces Agreement.

Maalalang nag-dialogue si Pangulong Duterte noon na “I’d like to put on notice if there is an American agent here, from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? You have to pay.

“It is a shared a responsibility, but your share of responsibility does not come free, after all, when the war breaks out we all pay.”

Na hindi mo naman alam kung paanong napasok ‘yun sa naging kapalaran ni Rabiya.

Isa pang pinag-usapan sa Twitter kahapon ang kandidata ng Thailand na si Amanda Obdam.

Copycut daw ito ni Miss Universe 2018 Catriona Gray lalo na sa suot nitong blue long-sleeved gown sa evening gown competition na inspired crystal-clear waves of the ocean. Pati ang posing nito ay kopyang-kopya ang tingin ng karamihan kay Catriona.

But sadly ‘di rin nakapasok sa top 5 si Miss Thailand, hanggang Top 10 siya.

Pero nag-trending pati si Catriona dahil doon at sa mga naunang tweet niya sa National Costume round.

Pero kahit ano pang sabihin, tapos na ang laban, may nanalo na. Si Miss Mexico, Andrea Meza na hindi rin inasahan ng lahat dahil talagang parang si Miss Peru ang mas angat ang performance hanggang sa dalawang round ng question and answer portion. May joke pa nga na parang hindi makapaniwala ang host na si Olivia Culpo sa naging resulta dahil na-capture ang expression niya habang tinitingnan ang result sa hawak niyang card na parang gulat na gulat.

Kahit si Miss India ay kino-question din ng beauty pageant fans kung bakit third runner up lang samantalang, ang husay din nito sa dalawang round ng Q&A.

Oh ay siya, move on na tayo. Magpasalamat na lang tayo kay Rabiya na inilaban ang bansa kahit na nga pandemic. Hindi natakot bumiyahe sa Amerika na hindi nasuot ang orange gown na gawa ni Furne Amato, ang Pinoy designer na based sa Dubai na Sarimanok inspired.

Baka lang talagang hilaw pa ang organizer ng Miss Universe Philippines para maipanalo ang ating kandidata.

Ano kayang reaction dito ni Madam Stella Araneta ng Binibining Pilipinas na nagpanalo ng apat na Miss Universe ng bansa? Gloria Diaz (1969) Margarita Moran (1973) Pia Wurtzbach (2015) and Catriona Gray (2018).

“We are proud of you and we love you.” Ito naman ang mga katagang paulit-ulit na mababasa sa social media mula mismo kay Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Kapamilya stars bilang suporta kay Rabiya.

 Nagpasalamat si Pia kay Rabiya sa ipinakitang puso at dedikasyon sa naging laban nito. “Rabiya we love you. Thank you for pouring your heart for the Philippines. We see your heart Queen.”

Ani naman ni Catriona Gray, hindi maipagkakaila na proud ang buong bansa dahil sa ipinakitang laban ni Rabiya. “Wow this year is intense! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 year consecutive semi-streak Pilipinas.”

 Maging Kapamilya stars nagpaabot din ng suporta kay Rabiya. Kabilang na rito si Vice Ganda na isang pageant fan. “#MissUniverse. Thank you Rabiya! We love you.”

Nagpahayag din ng pagmamahal ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Related video:

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with