_ngayon
^
Bea walang naging karelasyong leading man âhindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho!â
Bea

Bea walang naging karelasyong leading man ‘hindi ako mahilig makipaglandian sa trabaho!’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Sa loob ng dalawang dekada ay marami nang nakatambal si Bea Alonzo sa iba’t ibang proyekto.

Kahit minsan ay hindi umano naging nobyo ng aktres ang sino mang nakatrabahong leading man. “Leading man, teka, isa-isahin nga natin. Si Derek (Ramsay), hindi, si Sam (Milby), definitely hindi. Si John Lloyd (Cruz) di naman naging kami, parang wala. Kasi kahit si Papa Paulo (Avelino), sobrang lapit no’n sa akin. Baka hindi ako mahilig makipag­landian sa trabaho. Ang hirap, mag-aaway kayo sa taping,” nakangiting pahayag ni Bea.

Matagal naging kasintahan ng aktres si Zanjoe Marudo pero hindi naman sila nagkatambal noon sa mga proyekto. “Si Zanjoe hindi ko naging leading man, naging leading man ko sa MMK (Maalaala Mo Kaya) pero naging kami five or six years later pa. So hindi dahil nakatrabaho ko siya,” giit ng dalaga.

Matatandaang kontrobersyal din ang naging hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson noong 2019.

Arabella, sinusunod lahat ng mga bilin ni Jimuel

Ilang buwan ng magkasintahan ngayon sina Arabella del Rosario at Jimuel Pacquiao. Ayon sa baguhang aktres ay talagang matatag ang kanilang relasyon ng panganay na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao dahil nagsimula sila bilang magkaibigan. “Kasi kami ni Jemuel, we’re very, very close. We started off as friends. Tapos we’re very communicative with one another. He always reassures naman and he doesn’t give me any reason to doubt anything. So hindi naman gano’n kahirap ‘yung relationship namin. We’re very healthy overall,” pagbabahagi ni Arabella.

Naibahagi rin ng dalaga ang isa sa mga sikreto kung bakit maayos ang kanilang relasyon ni Jimuel. “Ang masasabi ko talaga dun is put God in the center of your relationship. Kasi ‘pag ‘yun ‘yung nangyari everything will follow. And use each other as your inspiration to set goals like finishing your studies. That’s very important. So you have to set goals together and put God in the center of your relationship,” makahulugang pahayag niya.

Kamakailan ay ipinakilala ang dalaga bilang ambassador ng Orabella Philippines. Bilang baguhan pa lamang sa industriya ay tuwang-tuwa raw si Jimuel sa nakuhang endorsement ni Arabella. “He’s very happy for me. Very supportive boyfriend naman siya sa akin. He said to do my best and kaya ko raw ‘to. Sabi niya you should believe in what you endorse. Siyempre kailangan mo i-try and you have to really believe and walk the talk talaga. Kasi if you don’t really believe in the product, it really does show. So kailangan talaga naniniwala ka sa product, hindi lang basta-basta,” paglalahad ng aktres.
Reports from JCC

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with