_ngayon
^

Mga artistang nakakasakit, hindi na nahihiyang umamin!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Mabuti naman at open ang mga artista natin na pag-usapan ang naging experience nila nang tamaan sila ng covid-19.

Unang nag-declare nang ipasok siya sa hospital si Christopher de Leon. At nang gumaling siya sa covid-19 nalaman ng publiko na treatable naman pala ang naturang virus.

Nagkaroon din si Sen. Bong Revilla na medyo nagtagal sa ospital dahil nahirapan ding makipaglaban sa virus.

Ngayon maganda rin ang sharing nila Gelli de Belen at Ariel Rivera dahil nagawa nilang gumaling kahit nasa bahay lang silang mag-asawa.

Siguro nga dahil sabay silang nagkasakit at sa bahay sila naggamutan kaya naging mas madali sa kanila. Mas mabilis pa ang support system kaya naman before they knew it, hayun, pareho na nilang nalagpasan ang covid-19.

Totoo nga siguro na nakakagaan iyon pagsu-suob na ginagawa na dati ng mga matanda na siguro natutuhan ni Gelli sa mother niya. Iyon tuluy-tuloy na pag-inom ng vitamins, konting exercise at pahinga.

Iyon daw mga ginawa nila Gelli at Arnel.

Naku, kung kakayanin talaga na sa bahay lang, mas ok dahil nga kulang na space sa hospital, basta maalagaan at huwag makahawa.

Kaya ngayon pag na-ospital ka bukod sa nakakatakot, dagdag gastos iyon essentials na nasa bills mo. Ikaw pala ang sasagot sa PPE, swab tests, at iba pang mga ek ek na may kinalaman sa covid.

Kaloka pala pero kahit ganun, punuan pa rin at mahirap makakuha ng room ngayon kahit sa private hospital.

Kaya dapat talaga iwasan natin na mahawa tayo ng kahit ano pang sakit.

Hindi lang naman ang covid-19 ang dapat natin katakutan, nandiyan pa rin ang iba ibang sakit na puwedeng tumama sa katawan natin.

Mabuti na nga lang ngayon at heto, mas umiinom na tayo ng vitamins at mas maingat na dahil sa threat ng virus.

Naging ugali na rin natin iyon social distancing, pagsusuot ng mask at face shield, kaya medyo bawas na rin ang threat.

At ngayon pag nakakakita ako ng doctor in uniform para bang ang ganda at guwapo ng tingin ko sa kanila.

Kasi nga, imagine mo ang pagod nila at sakripisyo ngayon dahil sa pandemic. Parang sila talaga ang new found heroes ng milenyo.

Para ba silang mga angels na nagsi-save ng buhay, at dasal mo na sana mas dumami pa sila para mas marami ang matulungan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with