_ngayon
^

Bekis, mainit ang ulo sa pagkatalo ni Rabiya!

Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinutukan ng sambayanang Pinoy ang laban ng bet nating si Rabiya Mateo sa 2020 Miss Universe na ginanap sa Florida, USA.

Isang taon ding hindi nasilayan ng buong mundo ang pagtatangahal ng Miss Universe kaya naman ‘yung huling winner na Miss South Africa ang winner na may pinakamatagal na reign.

Hindi nakalusot si Matteo sa Top 10 at Top 5 finalists. Hanggang Top 21 lang ang narating niya.

Nagpakita naman ng suporta ang past Miss Universe winners na sina Pia Wutrzbach at Catriona Gray kay Rabiya sa Twitter.

Samantala, super support naman si Ruffa Gutierrezz kay Miss Peru na second runner up lang ang nakuha.

Ang Miss Mexico na si Andrea Meza ang nanalong Miss Universe 2020.

Siyempre, sari-saring panlalait na komento ang ibinato sa pagkatalo ni Rabiya.

Suporta naman ni KC Concepcion via Twitter, “Nasasad ako sa sinasabing “beauty queen”failed” to reach top spots sa competition.

“A “beauty queen” still achieves so many dreams on her #Miss Universe journey!

“Why not highlight achievements rather than failures?”

At least kahit ilang oras lang eh panandalian nating nakalimutan ang tungkol sa COVID-19 at sa vaccination dahil kay Rabiya, huh!

Huwag na kayong umarte-arte pa, ‘no?

Move on na tayo sa next pageant!

Bukas ka rin punta sa parlor, Salve A., maiinit ang mga bekis sa parlor ngayon sa pagkatalo ni Rabiya, huh!

 

      

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with