_ngayon
^
âIpagmamalaki nâyo akoâ Rabiya may beginnerâs luck?!
Rabiya
STAR/ File

‘Ipagmamalaki n’yo ako’ Rabiya may beginner’s luck?!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

Magkakaalaman na kung tatalab ang beginner’s luck sa pambato ng bansa sa Miss Universe 2020.

Sobra-sobra ang push at suporta sa Ilongga beauty queen ng Pinoy sa kanyang pagsabak sa Miss U na mapapanood nang live ngayong umaga sa A2Z, 8:00 a.m.

Actually, true na parang nabawasan ang takot ng karamihan sa mga nagpapasukang new variant ng virus sa bansa dahil sa iba’t ibang isyu sa laban ni Rabiya sa Miss U. Ayon sa DOH, 10 more cases ng B.1.617.2 COVID-19 na unang nadiskubre sa India ang nakapasok na sa ating bansa, kaya sa kabuuan, 12 variants na ito.

Pero mas damang-dama ng karamihan ang Miss U fever sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans sa pambato natin sa 69th Miss Universe Competition.

Sa Hard Rock Hotel gaganapin ang coronation.

Nauna nang sinabi ni Rabiya na kahit anong maging resulta, magiging proud sa kanya ang lahat. “And regardless of the result, I may or I may not win the crown, but one thing is for sure — I’m gonna make you all proud,” pahayag nito sa video released ng Miss Universe Organization.

Inabangan din ang sinasabing beginner’s luck. Nauna ngang sinabi ni Miss Iloilo 2020 director Kevin Piamonte  sa STAR na “There is such a thing as beginner’s luck. Miss Iloilo was her first pageant. Miss Universe Philippines was also her first national pageant. And as they say, it comes in threes.”

Sen. Manny, 2 laban ang pinaghahandaan kahit pandemic!

Ahhh more on business pala ‘yung sinasabing pakape ni Sen. Manny Pacquiao.

Well, magandang business strategy dahil nga marami agad na-curious. Pero ‘yun pala brand of coffee lang ito ng boxing champion.

Consistent ang issue na kakandidatong pangulo ng Pilipinas si Sen. Pacquiao sa 2022 at ‘yun nga raw may pakape na siya.

Pero isang source ang nabanggit na kinausap na ito ng kampo ng nasa administration at sinasabing ‘wag nang lumaban dahil masasayang lang ang pera niya. Pero decided na diumano ito.

In fact, nakalatag na diumano ang laban nito for this year, isa sa Dubai at ang isa pang laban na sa Pilipinas gaganapin.

Sa Dubai sa June na raw at sa Pilipinas ay sa December ayon sa reliable source.

Sa Dubai parang possible na, pero dito kaya sa atin puwede na? Unless sa probinsya na walang kaso ng COVID.

Anyway, one year to go at election na at sana by that time, malinaw na talaga ang isip ng mga Pinoy sa pagboto.

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with