_ngayon
^
Protektodo ng Quezon City, maayos ang sistema

Protektodo ng Quezon City, maayos ang sistema

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

Malapit na ang 2nd dose ng vaccination natin nina Gorgy Rula, Cristy Fermin at Mr. Fu, Salve. Excited na ako na makumpleto ang bakuna natin hah hah. Big deal talaga na nagpabakuna na tayo. At natikman natin ang Protektodo Ka Sa Quezon City campaign ni Mayor Joy Belmonte.

Talagang nakita natin nang personal kung paano alagaan ng Health Department ng QC ang mga nasasakupan nito. Maayos ang vaccination, hindi magulo ang mga tao at maganda ang sistema. Kaya naman excited na ako sa full vaccination natin. Makikita ko na naman sina Margie, Winnie, Ms. Manipis, at lahat ng nurses at doctors sa vaccination site.

Suwerte, malalaman na...

Talagang mahilig tayo sa mga beauty contest. Lalo na nga at nakatikim tayo ng panalo kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Kaya ang init-init ng pagsubaybay natin kay Rabiya Mateo sa Miss Universe competition. Nakakatawa lang kung minsan, tayo ring mga Pilipino ang grabe kung makapintas sa kandidata natin, mga Pinoy din madalas ang mang-okray, gusto nating manalo pero tayo mismo ay hindi full ang suporta.

Dapat sa Pilipinas manggaling ang lahat ng lakas ng loob ng mga kandidata natin na lumalaban sa anumang kumpetisyon. Dapat ‘yung suporta natin kahit may kapintasan pa ‘yung ipadadala natin, tayo ang magtatakip. Sa beauty at sports pinakaimportante ‘yung suporta ng mismong kababayan mo. Kaya naman dapat purihin natin si Rabiya, huwag i-down. Huwag pinapansin lahat, damit o sapatos. Dapat palakasin lang ang loob, purihin.

In fairness, maganda at malakas ang dating ni Rabiya. Kaya konti pang suwerte, puwede na naman tayong manalo. At ngayon natin malalaman ‘yan kung sinu­werte si Rabiya.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with