_ngayon
^
Alden at Bea, hindi magsu-shooting ng pelikula hanggaât may virus
Bea at Alden
STAR/ File

Alden at Bea, hindi magsu-shooting ng pelikula hangga’t may virus

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2021 - 12:00am

Magsisimula na rin palang mag-taping ngayong linggo ang drama series ni Alden Richards na may working title na The World Between Us.

Kasama niya rito sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith. Nakapag-script reading na sila noong nakaraang Sabado, kasama rin ang ibang co-stars na sina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie at ang direktor nilang si Dominic Zapata.

May pagka Korean drama raw itong Start-Up pero base ito sa sikat na drama series sa Taiwan.

Ang lakas na talaga ng impluwensya ng K-drama sa atin.

May special participation din dito si Glydel Mercado na may mahalagang role na gagampanan.

Mahigpit ang safety and health protocols na ipinapatupad, pero kailangan talagang sundin.

Ang laki nga raw ng gastos ng GMA 7 sa series ni Alden na iba raw sa mga nagawa niya noon.

Dito raw muna magpu-focus si Alden sa soap, dahil hindi pa raw muna nila masimulan ang pelikulang gagawin nila ni Bea Alonzo, ang A Moment to Remember.

Dahil mahigpit pa nga ang safety protocols, medyo mahirap pa raw mag-shoot kaya maghihintay lang daw muna sila na medyo lumuwag na.

Baka bandang August pa raw sila magsisimula, at saka hihintayin pa raw na puwede nang manood sa mga sinehan.

Inaasahang nasa Kapuso network na by that time si Bea. “Sana,” sagot sa akin ng isang executive sa GMA 7.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with