_ngayon
^
Dahil sa yellow gown Rabiya, may sign na mananalo?!
Rabiya
Miss Universe/Benjamin Askinas

Dahil sa yellow gown Rabiya, may sign na mananalo?!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Wow, sign na nga ba ang yellow gown ni Rabiya Mateo sa long gown competition ng Miss Universe 2020 na siya na ang susunod na makakapag-uwi ng korona after Pia Wurtzbach and Catriona Gray?

Kukumpleto ang nasabing color sa Philippine flag – blue gown ang suot ni Pia at red ang kay Catriona nang koronahang Miss Universe.

So ito na kayang yellow gown na ito ang magdadala kay Rabiya sa mga Miss U ng bansa?

Pero ang iba naman, ang interpretation ay dilawan si Rabiya kasi nga yellow rin ang inirampa niyang two-piece swimsuit.

Compared sa ibang candidates, simple ang design ng yellow gown ni Rabiya.

Anyway, kakaiba talaga ang panahon ngayon.

Maraming judge na huhusga sa ‘yo hindi lang ang mga hurado ng nasabing pageant. Hahaha.

Bukas ng umaga, Lunes, mapapanood sa A2Z ng ABS-CBN ang live telecast ng Miss Universe live from Hollywood.

At siyempre, asang-asa ang maraming Pinoy na si Rabiya na nga.

Sana nga ‘wag tayong madismaya at sana rin maging chill lang si Rabiya.

Kasi, kita na sa aura niya ang pressure na manalo siya.

na sa aura niya ang pressure na manalo siya.

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with