_ngayon
^
Rhian, bongga ang realization nang magka-COVID-19
Rhian
STAR/ File

Rhian, bongga ang realization nang magka-COVID-19

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Ang ganda-ganda ngayon ni Rhian Ramos after mapabalita na gumaling siya from covid-19.

Imagine na very athletic at very healthy ang eating habit ni Rhian pero tinamaan pa rin ng virus.

Talagang hindi mo masabi kung saan at paano ka tatamaan ng infection.

Ang ganda ng realization ni Rhian na talagang dapat sa panahon na ito maging very vocal ka sa pagmamahal at pagpapakita ng feeling mo dahil you’ll never know what will happen tomorrow.

Dapat lagi mong sinasabi ang ‘I love you’ sa mga taong mahal mo. Lagi mong ipinapakita na mahal mo sila.

Isa si Rhian sa mga very honest star na nakilala ko, iyon talagang sinasabi niya totoo. Kaya naman, pagdating sa trabaho niya, very professional siya.

Mark, magpapaka-mature na!

Tuwang tuwa si Mark Herras nang ibalita niya na malapit na siya mag-start taping sa bagong project niya.

Gusto ko sanang sabihin sa kanya na this time paghusayan niyang mabuti, ipakita ang changes sa style of acting at maturity sa trabaho.

Iyon pagiging non-competitive ni Mark ang ­naging malaking hindrance kaya hindi umabot sa mas mataas ang kanyang career.

Wala siyang care kahit nauunahan na siya ng iba, kahit mas busy pa ang mga mas huling pumasok kaysa kanya.

Ngayon siguro na meron na siyang bagong anak, nakita na niya ang mas mabigat na responsibilidad kaya dapat mag-iba na rin ang approach niya sa kanyang career.

Sana nga ay hindi pa huli, at makita pa rin ang iba niyang potential.

Sana nga ay makahabol pa siya, dahil mas kailangan niya ito ngayon.

Sana tuluy-tuloy pa rin ang suporta sa kanya ng Artists Center ng GMA dahil ito na talaga ang parang pamilya niya.

Sana nga maging matured / professional Mark Herras na siya ngayon. Go Mark, ipakita mo ang bagong Mark Herras.

RHIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with