_ngayon
^

Ivana, tutulong sa single moms!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Noong isang linggo ay ipinagdiwang natin ang Mother’s Day. Bilang pagbibigay-pugay sa mga ina ay isang video blog ang ginawa ni Ivana Alawi. Sinorpresa ng aktres kasama ang dalawang kapatid ang kanilang inang si Fatima Marbella na mas kilala sa social media bilang si Mama Alawi. “We must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na binibigay n’yo sa aming mga anak mo. Single mother siya and pinalaki niya kaming magkakapatid,” bungad ni Ivana sa vlog.

Ayon sa sexy actress ay ilalaan ng kanilang pamilya ang kikitain ng naturang vlog para sa charitable institutions na naglalayong makatulong sa mga single moms. “Napagkasunduan namin ni Mama na ‘yung kita nitong video na ‘to ido-donate namin sa charity. ­Maghahanap kami ng mga charity ng mga single moms katulad ng aming mama,” pagbabahagi ng dalaga.

Hinihikayat ni Ivana ang lahat ng tagahangang netizens na panoorin ang bagong vlog upang mas malaki ang kitain nito nang sa gayon ay mas marami pa silang ­matulungan.

Joao, na-surprise sa loveteam nila ni Criza

Mapapanood na simula ngayong May 30 sa Kapamilya Channel ang He’s Into Her na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Kasama rin sa serye ng Kapamilya network ang bagong tambalan nina Joao Constancia at dating Pinoy Big Brother housemate na si Criza Taa.

Nagulat umano si Joao noong nalaman na makakatambal ang baguhang aktres. “Noong nalaman ko na magiging loveteam kami ni Criza na-surprise ako at natuwa. Dahil sa una, hindi ko pa kilala si Criza noon. Ang alam ko lang galing siyang PBB. Pero noong nakilala ko na, natuwa ako dahil she’s very mature. She’s very fun to be with she’s very talkative. She’s very vocal about what’s on her mind. So it’s perfect para sa character niya as Naih,” pahayag ni Joao.

Gagampanan naman ng binata sa bagong programa ang karakter ni Lee Roi. Ayon kay Joao ay talagang dapat pakaabangan ng mga tagahanga ang mga eksena nila ni Criza. “We look good together. So natutuwa ako roon. To all the CrizJo fans, maraming, maraming salamat sa love and support. And sa mainit na pagtanggap n’yo sa amin. We cannot wait for you guys to see all the kilig scenes sa He’s Into Her,” dagdag ng aktor.

Kabilang din sa pinakaaabangang serye sina Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo, Dalia Varde, Melizza Jimenez, Jim Morales, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Sophie Reyes at Limer Veloso. (Reports from JCC)

ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with