_ngayon
^

Rabiya, nagamit ang hala-bira!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

Ang dami na namang tumutok sa YouTube ng preliminary ­judging ng Miss Universe 2020. Siyempre, inabangan si Rabiya Mateo na sobrang taas ng expectations ng mga ating mga kababayan.

Sa introduction of candidates, hindi nagpakabog ang ­Ilonggang beauty queen suot ang sparkling blue Sherrie Hill dress.

Sa simula pa lang ay talagang dumadagundong na ang sigawan at palakpakan sa kanya. Obvious na todo ang suporta ng ating mga kababayan sa Amerika, pero parang hindi lang mga Pinoy kundi pati ang taga-ibang bansa.n “Mabuhay Philippines” ang intro ng hosts kay Rabiya sa swimwear competition.

Lalong lumakas ang tili sa kanya nang inirampa ang kanyang signature ‘hala-bira walk’.

Pagdating sa evening gown ay inirampa rin ni Rabiya ang kanyang yellow evening gown na gawa ng Dubai-based fashion designer na si Furne One Amato. Nag-trending sa Twitter ang Miss Universe 2020, at pati si Rabiya, at ilan pang kandidata gaya ng Thailand, Peru at Puerto Rico.

Ang daming magaganda, at masasabing hindi naman nagpatalo si Rabiya. Pero samu’t-sari ang mga opinyon ng netizens, at ang daming magagaling na nagbibigay ng komento sa performance ni Rabiya. Ang isa sa nilait ng karamihan ay ang evening gown nito na wala raw dating.

Sa aking obserbasyon naman ay okay na. Ang ganda ng bandang likuran na may cape at reynang-reyna na ang dating.

Ang paliwanag ng designer na si Furne One Amato na ipinost sa kanyang Instagram account; “The cape added royalty to the gown, and its beadwork was inspired by the radiance of the Philippine sun which symbolizes positivity and optimism. A hope for a new tomorrow, a world with endless beauty and happiness.”

Sabi pa niya sa isang interview na nasilip ko, ang ­patriotism ng mga Pilipino ang inspirasyon niya sa design ng gown.

Pero kahit ano pang paliwanag, ang dami pa ring hindi satisfied sa ginawa ni Rabiya sa preliminary competition. Pero may mga lumalabas na rin sa Tiktok na scores sa lahat na mga kandidata at mataas naman ang score ni Rabiya.

Sana mas maganda at lalo pa niyang galingan sa darating na coronation night na mapapanood natin dito sa Lunes ng umaga.

Catriona, nakahanap ng kakampi

Kahit naba-bash si Catriona Gray ng ilang netizens dahil sa namili lang siya ng top picks niya sa National Costume, marami naman ang nakaintindi at nagtanggol sa kanya. Pinanindigan naman ni Catriona ang post niyang iyun.

Isa sa nagtanggol sa kanya ay ang kaibigan naming Chemist at Philanthropist na si Pinky Tobiano. Laging tumutulong sa programa niyang Grateful Tuesdays na marami ring tinutulungan si Catriona.“Napakabait ni Catriona. Walang bahid na negativity. Positive lang talaga siya,” pakli ni Pinky nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes.

Pagkatapos ni Catriona ay nag-guest din si KC Concepcion na isa rin sa nagbigay ng tulong sa mga tinutulungan ng naturang programa.

Sa darating na Martes, May 18 ay si Piolo Pascual naman ang special guest ng Grateful Tuesdays.

Sa episode na ito ay pipiliin ang tatlong masuwerteng security guards na bibigyan ng bagong bisekleta. Sa mga interesadong sumali, puwedeng i-share ni manong ‘sekyu’ ang kanyang inspiring na kuwento at i-share ito sa Grateful Tuesdays.

Pwede ring mag-nominate ng kakilalang Sekyu. Ikwento ninyo at ipadala kalakip ang inyong buong pangalan, at contact details (tirahan o telephone/cellphone number) sa: gratefultuesdays@gmail.com.

Pero kailangan ‘nyong i-share at i-tag sa sampung katao under the FB account of Chemist Pinky Tobiano.

Ang deadline ng submission ay May 18 ng tanghali, at ia-announce ang winners sa programa nito kinagabihan na mapapanood sa FB account ng Cornerstone at ni Chemist Pinky Tobiano at sa Kumu account ng Cornerstone.

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with