Tom dalawang beses na nag-positive!
MANILA, Philippines — Na-infect din pala ng COVID-19 ang ikakasal na si Tom Rodriguez kaya nawala siya sa social media.
Kahapon ay nagbigay siya ng ‘A little update’ tungkol sa naging laban niya sa virus.
Nahawa raw siya sa out of town shooting nang ginagawa niyang pelikula.
Negative siya sa antigen test pagkatapos ng nasabing shooting, pero sinabihan siya ng fiancee na si Carla Abellana na magpa-PCR test, na sinunod niya.
At doon na siya nag-positive. “Buti na lang I took her advice and hindi muna kami nagkita, so there’s no chance I infected her. I tested positive and I’ve clinically recovered for mga over a week,” kuwento niya kahapon sa kanyang video post.
Ayos na siya at nasa half way hotel na sila para sa lock-in taping niya ng serye with Alden Richards and Jasmine Curtis.
Hindi siya nawalan ng pang-amoy at panlasa kaya ayon sa actor, napalakas niya pa ang kanyang immune system habang may virus.
Manageable raw ang naging symptoms niya - fever, cough, and tightness of the chest.
Dalawang beses siya nag-positive sa PCR test ayon pa sa Kapuso actor.
Wala naman siyang na-mention sa naka-schedule nilang wedding si Carla.
- Latest