^

PSN Showbiz

Matapos maglagas ang buhok... Andrea, umaming ‘buntis’ sa ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Matapos maglagas ang buhok... Andrea, umaming �buntis� sa ina
Andrea

Pinaputulan na ni Andrea Brillantes ang kanyang mahabang buhok. Matatandaang mahaba lamang palagi ang buhok ng aktres sa mga nakalipas na taon. “Early quarantine, ‘yung talagang stuck tayo sa bahay, nababaliw na ako. Tapos nilabas ng Blackpink ‘yung music video nila na si Jennie blonde ‘yung hair. So blineach ko rin ‘yung buhok ko six times. Gano’n ko kamahal si Jennie. Kasi hindi ako pumayag na hindi ko ma-achieve. Tapos namatay ‘yung buhok ko, naglalagas na siya. Tapos may sugat na din ako sa anit,” kuwento ni Andrea.

Para sa dalaga ay malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng magandang buhok upang magkaroon ng self confidence. “Ako kasi do’n ko kinukuha ang confidence ko din kapag maganda ‘yung buhok ko. So medyo naiilang ako na patay na ‘yung buhok ko, medyo nawawalan na ako ng confidence. So pina-chop ko na lang siya,” dagdag ng aktres.

Inilihim ni Andrea sa ina ang pagpapagupit ng buhok dahil posibleng magalit daw ito. “Tinago ko sa kanya. Kahit sa bahay hindi niya napansin na naglagay lang ako ng extensions, napagod na ako. So sa third day, pinakita ko lang sa kanya. Sinabi ko kay mama para talagang ma-highblood na siya, binigay ko na ‘yung pinakabongga-bonggang kasabihan. Sinabi ko, ‘Ma, buntis ako!’ para mapunta ka na dun sa pinaka-worst ‘di ba? Talagang galit na galit siya. Sabi ko, ‘Joke lang ma, hindi ako buntis, pero nagpagupit ako.’ Tapos tinanggal ko ‘yung towel, pinakita ko ‘yung buhok. Sabi ko, ‘Oh, at least hindi ako buntis, nagpagupit lang ako ‘di ba? So imbes na magalit si mama na-relieved siya. ‘Ah, okay’ dinaan ko siya do’n tapos no’ng na-realize niya, ‘Dinaan mo ako sa psychology,’ ‘Pero ginupitan mo pa din ‘yung buhok mo.’ Galit pa rin siya pero wala na siyang nagawa,” natatawang pagbabahagi ng aktres.

Paulo, pinagkakitaan ang paglalaro

Bukod sa pagiging isang artista ay pinasok na rin ni Paulo Avelino ang pagnenegosyo. Bahagi ang aktor ngayon ng isang e-sports company. “Ito ang la­test venture ko and tina-try namin lahat ng kaya namin para ipasok rin sa mainstream na market. I think this industry is also entertainment at the end of the day. At kung entertainment ito, parang in the future I’m sure there’s going to be more projects, more plans,” bungad ni Paulo.

Mula noong kabataan ay mahilig na umano ang aktor sa online gaming kaya talagang nagkaroon ng interes na pasukin na rin ito bilang negosyo. “Nagsimula ako bata pa talaga ako. Lumaki ako naglalaro ng Counterstrike. Lumaki talaga ako nagrerenta ng PC sa Baguio at daming mga gamers dun. Habang tumatagal, ang tagal ko na ring nagtatrabaho sa industriyang ito, naisip ko bakit hindi ko balikan ‘yung mga paborito kong gawin no’ng bata ako which is gaming, pagmo-motor. So do’n ako nag-start. Pero ang role ko talaga rito is nagbabantay ako ng quality. Chine-check ko na ayos lagi ang equipment,” paglalahad niya.

Maraming narinig na hindi magagandang salita si Paulo noon tungkol sa online gaming. Ngayon ay masayang-masaya ang aktor dahil unti-unti nang nagbubunga ang pagkahilig dito. “Of course to all the young gamers out there, it’s always nice to balance things out. Nasanay kami na sinasabihan na walang future sa gaming. Siguro ngayon na marami ng nag-open na opportunities, masaya lang ako na nagkakaroon na. Actually marami ng opportunities to build a career in gaming,” pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with