^

PSN Showbiz

Rabiya Mateo todo hagulgol, nadismaya sa kinalabasan ng 'costume competition'

Philstar.com
Rabiya Mateo todo hagulgol, nadismaya sa kinalabasan ng 'costume competition'
Kuha ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo habang umiiyak matapos ang ilang problema sa sa nangyaring national costume competition ngayong araw, ika-14 ng Mayo, 2021
Litrato mula sa Instagram account ni Rabiya Mateo; Rodrigo Varela / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad ang pambato ng Pilipinas sa kanyang mga tagahanga habang tumatangis kasunod ng mga batikos na natanggap mula sa social media kaugnay ng ipinakita niyang performance sa katatapos lang na yugto ng patimpalak ng Miss Universe.

Bigo kasing maisuot ni Rabiya ang kanyang "headpiece" sa national costume competition ng Miss Universe 2020 ngayong araw, Biyernes. Kukumpletuhin sana nito ang kanyang Philippine flag inspired attire.

Napa-live stream tuloy siya matapos ng insidente para ipaliwanag ang naturang pagpumalya.

"Tomorrow is preliminary for swimsuit and long gown so maaga ulit kami tomorrow kaya sabi ko I just want to do a quick live to tell you guys na I'm so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin but I know I did my best," wika niya sa Instagram.

"I even cut my finger earlier and yung stockings ko puno na din siya ng dugo but I keep fighting kahit wala ng oras. I didn't have time to retouch my hair, retouch my makeup. I was there, I was running for pins, I was running for scissors, for everything just to be able to execute the costume really well."

Sinasabing gawa pa naman ng Filipino international designer na si Rocky Gathercole ang kanyang isinuot kanina. Sabi ni Rabiya, kinakatawan ng asul ang royalty, pula para sa lakas at katapangan habang sinisimbolo naman daw ng dilaw ang ang "kalayaan para piliin anuman ang nais gawin."

Pinasalamatan din ng tubong Iloilo ang lahat ng kanyang mga tagahanga lalo na't ramdam na ramdam niyang maganda siya habang naglalakad sa entablado.

Aniya iba raw ang sigawan ng mga Pilipino na nagpaabot ng kanilawng suporta sa gitna ng kompetisyon.

"Tomorrow may competition pa tayo. Malaking laban uli kaya ipagdasal niyo sana kaming lahat ng mga girls to execute yung pinakabest performance namin. Because ang goal talaga namin is to make our country proud. Kaya sana maging proud kayo sa akin kasi it's not easy pero kinakaya ko para sa inyong lahat," saad pa niya.

Nakatakda ang coronation night ng 69th Miss Universe sa ika-16 ng Mayo sa coastal city ng Hollywood sa Floria, USA. — James Relativo at may mga ulat mula kay Jan Milo Severo

vuukle comment

MISS UNIVERSE 2020

PHILIPPINES

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with