_ngayon
^
National costume ni Rabiya gawa ng namayapang designer
Rabiya
STAR/ File

National costume ni Rabiya gawa ng namayapang designer

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Dama na ang Miss U fever dahil sa mainit na suporta ng Pinoy pageant fans para sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe Competition na ihahatid ng ABS-CBN,  live sa A2Z sa Mayo 17, 8 a.m.

Sa Hard Rock Hotel sa Amerika, pinapakita ng pageant fans ang suporta nila sa kanilang mga manok, kabilang na ang Pinoy fan na si Jan Quijano na matiyagang nag-aabang kay Rabiya sa hotel lobby. Bawat rampa raw ni Rabiya saang sulok ng hotel, nakukunan niya.

Kuwento ni Quijano kay MJ Felipe para sa TV Patrol, first time niyang magbuhos ng suporta para sa isang pageant queen at na-starstruck ito noong makita na si Rabiya.

Dagdag pa niya, “According to the Venezuelan fans, Rabiya is like a combo. A combination of Megan Young and Pia Wurtzbach at nafe-feel nila ‘yung 2015 edition. ‘Yung ang daming magaganda, pero may lilitaw at lilitaw na isa.”

Samantala, pasabog din ang inaabangang national costume ni Rabiya dahil ang ‘missing piece’ nito na bitbit ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup ay isang alay sa namayapang Pinoy designer na si Rocky Gathercole.

Ito raw ang huling project na ginawa ng designer bago pumanaw. “Noong nakita ko it’s like, fly high Philippines,” iyan ang matipid na pahayag ni Miss Universe Philippines creative and events director, Jonas Gaffud.

Suportahan ang pambato ng Pilipinas at saksihan ang koronasyon ng bagong Miss Universe  LIVE mula sa Florida, USA sa A2Z sa ika-17 ng Mayo, 8 a.m. May replay din ito sa A2Z sa 10:30 ng gabi.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with