_ngayon
^
Carla, tahimik sa detalye ng kasal nila ni Tom  Kelley, inalala ang bashing ng mga Pinoy habang nasa Egypt
Carla
STAR/ File

Carla, tahimik sa detalye ng kasal nila ni Tom Kelley, inalala ang bashing ng mga Pinoy habang nasa Egypt

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Hindi sinagot ni Carla Abellana ang text ko sa kanya para kumpirmahin ang lumabas sa Facebook account ng Parokya ni San Guillermo sa Batangas na marriage banns  nila ni Tom Rodriguez.

Nakasaad doon na sa October 23 ang wedding  sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Tinext ko rin ang manager ni Tom na si Popoy Caritativo pero hindi rin siya sumagot. Sinabi na lang daw ni Popoy na hintayin na lang ang official announcement nina Tom at Carla.

Si Carla naman ay nag-post sa kanyang IG story kaugnay dito.

Sabi niya; “Hello everyone! A WEDDING BANN is a Church Requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a Wedding Permit. Please the definitions below. Thank you.”

Sa baba ng post na iyon ay ang definition ng marriage banns ayon sa Britannica at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

 

Nakabalik na pala ng bansa ang kandidata natin sa Miss Eco International 2020 na si Kelley Day.

Noong April 25 siya dumating, pero kailangan niyang dumaan sa isang linggong quarantine at mag-negative  sa kanyang RT PCR test.

Pero nakiusap ang kampo ni Kelley na huwag muna siyang tanungin tungkol sa isyung COVID doon sa Egypt nang makapanayam namin.

Pagkatapos kasi ng competition  kung saan ay itinanghal na first runner-up si Kelley, lumabas na ang balitang nagkahawa-hawa raw sila roon ng COVID-19.

Nagka-COVID-19 daw sila habang nasa Egypt, at hindi raw sila naasikaso doon ng organizer.

Sinagot naman ito ng Miss World national director na si Arnold Vegafria, na inayos na raw nila. Pero wala pang pahayag si Kelley tungkol dito. Kaya ayaw niyang sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa COVID experience pati ang mga ipinapatupad na safety protocols and guidelines. Sabi lang ni Kelley ay nag-enjoy daw siya sa Egypt kahit sobrang lamig daw. “Ang pinaka-weird dun sa pageant, kasi sa Egypt, hindi pala siya mainit. “May araw, pero ang lamig talaga ng hangin. Parang ang weird na sa beach kami nagsu-shoot na outdoor, beach, sunny photo shoot, tapos sobrang lamig. Super cold! Pati sa finals, malamig pa rin,” pahayag ni Kelley nang makapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules ng gabi.

Ang isa lang daw sa ikinadismaya niya during the competition ay ang mga bashing na inabot niya roon. “Ang na-experience ko kasi sa start ng competition, mga preliminary sa first two weeks, I didn’t get sa top ten ng competition. Dun sa  fast track ng pageant, hindi ako nakapasok sa top 10.

“Dun po nag-start about me like sa outfits ko, sa weight ko, sa itsura ko sa hair ko. And actually, I was really affected because a lot of the bashing comments were coming from the Philippine. So, later on sabi ko babawi ako promise,” pahayag ni Kelley.

Ngayon ay balik-showbiz ang dalaga at nakatakda siyang gumawa ng isang drama series sa GMA 7.

Naka-quarantine nga raw siya uli ngayon dahil naka-schedule na siyang magpa-RT PCR test na isa sa requirements bago pumasok sa lock-in taping.

Meron dapat siyang gagawin ding programa sa TV5 na kung saan makakasama niya sina Raymond Bagatsing at David Chua, na si Korina Sanchez ang producer. Pero naka-standby daw muna iyon.

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with