_ngayon
^

Sharon, dismayado sa takbo ng career?!

Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Noong isang araw, nabigla kami sa mismong social mediapost ni Sharon Cuneta na nagsabing siya ay umalis, gusto niyang makapagpahinga, at makahinga rin nang kaunti dahil sa stress.

Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta, pero kinabukasan may post siyang siya ay nasa Los Angeles, sa bahay ng isa niyang kaibigan. Mag-isa lamang siyang umalis. Sinabi naman kasi niyang siya lamang at ang anak niyang panganay ang maaaring mabilis na pumunta sa US, dahil ayos ang kanilang mga papeles para roon.

Pero hindi rin naman sinamahan ni KC (Concepcion) ang ermat niya, at aywan kung alam ba niya ang plano noon na umalis. Noong umalis si Sharon, wala naman si KC sa pictures.

Hindi na kailangang sabihin ni Sharon, iyan namang mga bagay na iyan ay nangyayari kung ang isang tao ay stressed, at lalo na kung disappointed. Pero ano pa nga ba ang makaka-disappoint sa kanya? Walang duda na hindi nangyayari ang inaasahan niya sa kanyang career. Simula nang magbalik siya sa ABS-CBN, matapos niyang ipa-preterminate ang kanyang kontrata noon sa TV5, wala siyang nakuhang assignment mula sa network kundi bilang judge sa isang singing contest. Gumawa siya ng indie na ang inaasahan, hindi man kumita ay magbibigay sa kanya ng award, pero hindi rin nangyari iyon.
Hindi rin naman naging maganda ang resulta ng pelikulang pinagtambalan nila ni Robin Padilla. Iyon din namang pelikula nila ni Mayor Goma (Richard Gomez), hindi rin kagandahan ang resulta.
Ngayon nabigyan naman siya ng isang mas batang leading man, pero mailalabas lang naman iyon sa internet, eh ano ang kalalabasan noon? Disappointed si Sharon dahil hindi naman ganyan ang nakasanayan niyang takbo ng kanyang career simula noong una pa. Lately, may statement pa siyang gusto niyang gampanan ang role sa isang Korean adaptation project ng ABS-CBN. Kung noong araw iyan, tiyak na ibibigay sa kanya ang role “nanginginig pa.” Pero lumabas na iyon ay ibinigay pa rin kay Jodi Sta. Maria.
Mabuti nga iyong magbakasyon na muna si Sharon.

Maricel, mas malakas

Iyon ang naging kaibahan ni Maricel Soriano. Matagal narin naman siyang hindi napapanood sa pelikula. Bihira rin naman siya sa telebisyon, pero si Maricel semi-retired na rin naman at wala na siyang pakialam kung ano man ang nangyayari sa kanyang career.

Si Maricel tumatangap ng role kahit na isama lang siya sa comedians. Sanay naman kasi siya sa ganoon. Iyong mga ganoong pelikula ang ginagawa niya kahit na noong kasikatan niya sa Regal.
Malaki ang kaibahan niya doon sa gumagawa lamang ng malalaking drama. Versatile kasi si Maricel, maaari mo siyang isaksak saan man, at hindi rin siya namimili ng mga artistang makakasama niya. Nasanay din naman ang tao kay Maricel na iba-ibang artista ang kasama, kahit na minor stars pa iyan.

May panahon na nakaranas din ng depression si Maricel. Personal naman ang dahilan noon. Nagkamali rin siya sa ilang desisyon niya sa buhay, pero nalampasan niya iyon.

SHARON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with