_ngayon
^

Kapatid ng sikat na actor-TV host na TNT sa Amerika, ipina-deport AT tinanggalan ng US visa

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Dumating na kahapon nang madaling-araw ang ipina-deport na kapatid ng isang sikat na actor-TV host. Ayon sa kuwento ng a­ming source ay matagal na itong nagtatrabaho sa isang lugar sa East Coast sa Amerika pero hindi pa rin legal ang kanyang pamamalagi du’n.

Sabi ng aming impormante, “Napakatagal na niyang nagwo-work du’n, pero sa buong panahong ‘yun, e, hindi pa niya inayos ang mga dokumento niya!

“Ayun, hinuli siya, tinanggalan ng US visa, ipina-deport ng mga authorities ng Amerika! Baka kasi akala niya, e, magagawan ng paraan ng sikat niyang kapatid dito ang pagiging illegal alien niya!” madiing impormasyon ng aming source.

Ganu’n.

Female personality laging tuod, madalas tulala

Hanggang ngayon ay pinagkukuwentuhan pa rin ng isang grupo ng mga personalidad ang isang kilalang female personality na sandali lang naman nilang nakatrabaho sa isang programa.

Hanggang ngayon ay gulantang pa rin ang grupo, nagtatanungan sila kung bakit parang palaging nakatulala lang ang pamosong female personality, parang wala siya sa tamang hulog.

Kuwento ng aming source, “Nakakagulat siya! Punumpuno ng energy ang buong grupo, pero siya, wala, basta nakatayo lang! Parang wala siya palagi sa sarili niya!

“Kitang-kita ang ganu’n, di ba? ‘Yung sobrang taas ng energy ng lahat, nagkakagulo sila sa sobrang saya, tapos, may isa du’n na parang nakatulaley lang!

“’Yun siya! Ganu’n ang female personality, parang wala siyang alam kung ano ang pinasok niyang balwarte! Basta palagi lang siyang tulala, nakatayo na parang tuod lang!” unang kuwento ng aming source.

Habang nagbi-break sa taping ang grupo ay may kumausap na staff sa female personality. Sinabihan siya na sumabay sa energy ng lahat para hindi kapansin-pansin ang katahimikan niya. Oo raw.

Patuloy ng aming source, “Pero waley pa rin! Nu’ng mag-umpisa na uli ang taping, e, ganu’n pa rin ang female personality! Tulala pa rin! Malayo ang itinatakbo ng utak, walang kagana-gana!

“Ano na ba ang nangyayari sa babaeng ‘yun? Gusto niyang magtrabaho, may nagbibigay naman ng chance sa kanya, pero ganu’n naman siya?

“Palaging tulala, parang pasan niya ang daigdig, hampasin na lang kaya natin siya ng bareta ng sabon para mauntog siya at bumalik sa dati niyang anyo!” pabuntong-hiningang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sen. Manny may pa-‘kape ng bayan,’ nagsisimula nang mangampanya?!

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng kampo ni Senador Manny Pacquiao ang darating na eleksiyon. Akala natin ay malayo pa ang halalan, sa susunod na taon pa ‘yun, pero hindi ganu’n ang pananaw ng mga pulitiko.

Sa Oktubre ay magsusumite na sila ng COC (certificate of candidacy), malalaman na natin kung anong posisyon ang kanilang tatakbuhan, at sa Mayo ay gaganapin na ang unang halalan sa ilalim ng pandemya.

Tumawag sa amin si prop, ang kaibigan naming parang si SOS na palaging nakabantay sa mga nagaganap hindi lang sa mundo ng showbiz kundi pati ng pulitika, meron itong kuwento.

Sabi ni prop, “Alam mo naman na coffee drinker ako. I can survive the whole day without eating basta meron akong kape. Coffee is life for me.

“Yesterday, may friend akong nagpadala sa akin ng post, isang coffee sachet ‘yun. Ang nakalagay, ‘kape ng bayan.’ Ang nakaretrato, si Senator Manny, ‘Pacquiao’ ang pangalan ng kape.

“Naghahanda na talaga siya, inaagapan na ng kampo niya ang mga pang-giveaway sa kampanya. May panghagis na siya kapag umaakyat sa entablado.

“Napakalakas ng kutob ko na tatakbo si Senator Manny sa panguluhan. Ito ang pinakamatinding laban na haharapin niya. Hindi na sa lona lang ito, pangbuong Pilipinas na, tingnan natin kung pahahalikin niya sa lona ang mga makakalaban niya,” komento ng kaibigan naming propesor.

Kami rin. Matindi ang paniniwala namin na susuong sa laban para sa pinakamataas na posisyon ang Pambansang Kamao. Naramdaman namin ‘yun nang punahin niya si PRRD na nakukulangan siya sa pakikipaglaban ng pangulo sa isyu ng West Philippine Sea.

Nagbitiw pa raw nu’n ang pangulo sa kampanya nito na sasakay ito sa jetski, tutumbukin nito ang WPS, saka magtatanim du’n ng watawat ng Pilipinas dahil sa atin naman talaga ang pinag-aagawang katubigan at hindi sa China.

Pero ayon sa pangulo ay biro lang’yun, hindi seryoso, na ikinawindang ng ating mga kababayang nagtatanong kung ano na ba ang totoo at hindi sa mga pinakakawalang salita ni PRRD?

Basta marunong bumasa at sumulat, basta kayang gastusan ng kandidato ang kabuuang kampanya ay may karapatang lumahok sa laban ang kahit sino.

Limang buwan pa mula ngayon ay malalaman na natin kung ano ang tatakbuhang posisyon ni Senador Manny Pacquiao. Mananatili ba siya sa kasalukuyan niyang upuan sa Senado o may inaasinta pa siyang mas mataas na katungkulan sa ating pamahalaan?

“Kape ng bayan.”

TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with