_ngayon
^
Kim gaganap na may congenital insensitivity pain
Kim at Gerald
STAR/ File

Kim gaganap na may congenital insensitivity pain

(Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

Wala pa sa plano nina Jerald Napoles at Kim Molina na magpakasal at magkaanak.

Late bloomer daw ang career nila at gusto muna nilang i-maximize ang mga opportunity na dumarating sa kanila.

After ng Jowable, bibida sila sa digital film na Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Tungkol ito kay Tasha (Kim Molina), isang babaeng may kakaibang sakit na Congenital Insensitivity to Pain. Dahil dito, hindi siya nakakaramdam ng kahit anong sakit  -- maging pisikal o emosyonal na sakit.

At dahil din sa kanyang kakaibang kondisyon, hindi rin alam ni Tasha kung paano ang ma-in love.

Hanggang sa makilala niya si Ngongo (Jerald Napoles), isang lalakeng may cleft palate. Si Ngongo ang magiging daan para makaramdam si Tasha  ng saya at sakit ng pag-ibig.

At mag-uumpisa ang isang adventure na hindi nila makakalimutan.

Gaya ng kanyang huling pelikula na Tililing na naging kontrobersyal dahil sa tema nito ng pagka-baliw, hindi takot si direk Darryl Yap na talakayin ang mga paksang hindi madaling pag-usapan o mga paksang hindi masyadong alam ng madaming tao.

Ang Congenital Insensitivity to Pain ay isang pambihirang kondisyon na hindi gaanong kilala dito sa Pilipinas.

Sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam, matututunan ng tao ang tungkol sa kakaibang sakit na ito, at kung pano nito naaapektuhan ang buhay ng isang tao na may ganitong karamdaman.

JERALD NAPOLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with