_ngayon
^
Ogie at Regine, nag-mini concert

Ogie at Regine, nag-mini concert

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 13, 2021 - 12:00am

Sa birthday ni Juday

Kahit virtual ay masaya namang ipinagdiwang ni Judy Ann Santos ang kanyang 43rd birthday noong nakaraang Martes.

Bale pangalawang birthday celebration niya ito na naka-quarantine, pero masaya naman dahil bukod sa kanyang pamilya, dumalo via Zoom ang close friends sa showbiz, ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, at ang mag-asawa ring Iza Calzado at Ben Wintle.

Kuwento sa amin ng ka-Troika kong si Noel Ferrer na manager ni Ryan Agoncillo at tumutulong na rin kay Judy Ann, lalong sumaya raw ang virtual party nila nang nagpaunlak ng awitin sina Regine at Ogie.

Hindi lang isa kundi halos nag-mini concert sila para sa celebrator. Pero ang pinakakuwela sa lahat ay ang pakulo ng mag-asawang Ogie at Regine na sinasabi nilang may package na raw sila ng virtual na kantahan sa Kasal, Binyag, Libing (KBL).

May patawa pa si Ogie na mura lang daw ang package nila ni Regine depende sa uma-attend. Biniro pa nila si Fr. Tito Caluag na close kina Judy Ann na baka marami itong contact dahil sa simbahan siya.

Siyempre, ang pinakamasaya sa selebrasyon ni  Judy Ann ay ang mga anak nilang sina Yohan, Lucho at Luna.

Nakikita namang intact ang samahan kahit may mga nagpapakalat ng fake news na hiwalay na ang mag-asawa. Masaya muna si Judy Ann sa isang regular show niyang Paano Kita Mapasasalamatan, may Judy Ann’s Kitchen siya sa YouTube at ang Sunday Market ng kanyang Angrydobo.

Masyado siyang maingat sa projects na inaalok sa kanya.

Nakakapanghinayang man ang tinanggihan niyang The Broken Marriage Vow, ang Pinoy adaptation ng Doctor Foster, pero kailangan niyang gawin alang-alang sa kanyang pamilya at sa sarili.

Sa panahon ngayon, pinaka-precious para sa aktres ang pamilya lalo na’t mas naging solid ang bonding nila sa mahigit isang taon na tayong naka-quarantine.

Happy birthday sa isa sa mga huling Reyna ng Pelikula at Telebisyong si Judy Ann Santos-Agoncillo.

Hunk actor nag-positive, laglag sa pinaghandaang project

Kawawa naman ang hunk actor na tinanggal sa isang movie project dahil nag-positive siya sa COVID-19.
Matagal din nilang pinaghandaan ang project na ito na kung saan ay sumali pa siya sa story confe­rence, sa virtual look test at matagal-tagal din nilang diniscuss ang project.

Makakasama sana ni hunk actor dito ang isang kilala ring female celebrity na malakas sa social media.

Nang nakahanda na silang magsimula ng lock-in shooting, nagpa-RT PCR test na sila.

Itong si hunk actor ang tanging nag-positive na ipinagtataka niya dahil hindi naman daw siya lumalabas.

Kailangan na siyang palitan dahil dapat na nila itong simulan.

Ang pinag-iisipan nilang ipalit ay isa ring hunk actor na kapapanganak lang ang partner.

Asymptomatic naman daw si hunk actor, pero kailangan niyang magpahi­nga at magpagaling pagkatapos niyang mawalan ng project dahil sa sakit na ito.

OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with