_ngayon
^
Claudine nag-file ng motion laban kay Raymart!
Claudine
STAR/ File

Claudine nag-file ng motion laban kay Raymart!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Circle of friends ni Dominic, na-disappoint sa denial ni Bea?! Ivana kumikita ng 10 milyon a month!?

Nag-file pala ng Motion for Reconsideration si Claudine Barretto matapos ang dismissal ng kaso niyang economic abuse against her ex-hubby Raymart Santiago na diumano’y hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang dalawang anak.

Maaalalang late last year nang kasuhan ito ng actress sa diumano’y paglabag sa Republic Act No. 9262.

Pero ayun nga, nabasura raw ang kaso at ang sinisisi pa diumano ni Claudine ay ang abogado niyang si Atty. Ferdie Topacio na pro-bono pala at producer sana ng kanyang comeback movie. But sadly, hindi na rin daw matutuloy ang nasabing pelikula.

At ang chikang nasagap ng Take It... Per Minute, Me Ganun! kahapon nakapag-advance na pala ng talent fee si Claudine kay Atty. Topacio.

Anyway, kasama rin sa pinag-usapan sa TIPMMG kahapon ang tungkol sa lock-in taping. Iba na raw pala talaga ngayon. Kung sino na lang ang gustong magtrabaho, ‘yun na lang ang inaalok lalo na raw kung more than two weeks ang lock-in.

Kasi pala, may ibang mga artista na kahit na-clear na sa swab at pinapa-quarantine ng production ng ilang araw or pinag-isolate sa kanilang bahay, lumalabas pa rin at confident na walang dalang virus.

‘Yun pala during the time na naka-isolate sila at bago ipasok sa lock-in, nahawa na. So nadala sa ta­ping ang virus na pinag-uumpisahan ng hawahan.

Saka kanya-kanya raw ng room ng bawat isa tapos may taping daw na walang signal ang internet so talagang anxiety daw ang inaabot ng iba.

Meron naman diumanong option ang iba, puwedeng magsama ng personal assistant pero sila ang magbabayad kaya ang ending daw ng ibang artista, abono pa sa natatanggap nilang talent fee.

Ibang-iba na raw talaga ang trabaho ngayon kaya ang karamihan sa mga artista, kuntento na sa vlogging.

Like sa case raw ni Ivana Alawi, more than 10 million ang kinikita nito a month. Parang ganito rin daw si Alex Gonzaga.

Kaya naman maraming mga celebrity na nga ang mas aligaga sa vlogging at pati mga secret nila nilalantad dito alang-alang sa monetization.

Isa rin sa pinag-usapan kahapon ang tungkol kina Bea Alonzo and Dominic Roque.

Diumano, pikon na ang circle of friends ni Dominic particular na ang mga ka-motor niya kasi talagang consis­tent daw ang denial ni Bea tungkol sa kanila ni Dominic kahit madalas ito noong sumasama sa mga lakad ng tropa ni Dominic.

At ang isa sa pikon diumano sa ginagawa ni Bea, si Daniel Padilla, ayon pa sa source.

Anyway, sa mga hindi nakapanood ng episode 97 ng nangungunang digital talk show nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu na absent kahapon pero nag-join si Ogie Diaz nang malapit nang matapos ang programa, maki-team replay na sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa. Mapapanood din ang buong episode sa YouTube channel ng PSN.

RAYMART SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with