_ngayon
^
Mario, may pa-goodluck kay Rabiya!
Mario Maurer
Photo Release

Mario, may pa-goodluck kay Rabiya!

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Wow may pa-goodluck kahapon ang Thai superstar na si Mario Maurer sa pambato ng Pilpinas sa Miss Universe na si Rabiya Mateo. “I am very happy to know that she’s a fan of mine. And I’m happy to hear that, and I wish her good luck,” sabi nito sa virtual press conference kung saan ipinakilala siya kasama ang dalawa pang sikat na Thai actors na sina Nonkul Chanon (Bad Genius) and Gulf Kanawut (TharnType: The Series) bilang latest brand ambassadors ng TNT, the biggest prepaid brand sa bansa.

Anyway, nakabisita na sa Pilipinas ang tatlo at nakagawa na actually ng movie si Mario sa atin pero first time nilang nagkasama-sama sa isang project.

Bumida sila kasama sina Sarah Geronimo and Sue Ramirez sa Kilig Saya campaign ng TNT sa isang 3-minute music video na kinanta ni Sarah. The commercial was launched via livestream at the first ever TNTCON2021 kahapon hosted by Mr. Fu.    

RABIYA MATEO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with