_ngayon
^
Ricky, naka-isang linggo na
Lolit at Ricky Lo
STAR/ File

Ricky, naka-isang linggo na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Parang nagdaan lang ang araw. Martes kahapon na after ng Take It… Per Minute Me Ganun last week, pinagagalitan ako ni Ricky Lo dahil inaaway ko si Nestor Cuartero. Last Tuesday nang tinawagan ako ni Susan ng Regent na nagsabi na delikado ang lagay ni Ricky.

Martes na naman kahapon, one week na matapos tayong iwan ni Ricky ng The Philippine STAR. Sure ako na PhilSTAR will never be the same again without his column na tuwing umaga hinahanap mo para makita kung ano ang latest news.

One week na agad ang dumaan, parang kelan lang na kinukulit niya akong batiin siya ng happy birthday sa TIPMMG, iyon na pala ang magiging last birthday niya. Ewan ko pero dahil siguro nga isang mabuting tao si Ricky, kaya ‘yung flashes of memories niya na pumapasok sa akin lagi na lang ‘yung moments na meron kaming pinagtatawanan.

Laging ‘yung memory ng laughter ang pumapasok sa utak ko ‘pag naaalala ko siya.

Sabi nga nila, the best thing is when people remember you with fondness and smile, iyon ang naiwan mong alaala ay maganda at magaan.

May pagkakataong nagagalit si Ricky, may tampo, may complaint, pero mas madalas ‘yung good words ang nasasabi niya, at kahit galit, madali siyang patawanin.

The longest one week ang nagdaang linggo para sa akin, talagang dahil biglaan, para bang hanggang ngayon hinihintay kong may magsabi, eklay lang ‘yung balita na namatay siya. ‘Yung gusto niya lang makita ang reaction ng tao, ‘yung gusto niya lang mabigla ang circle of friends niya.

Naku, aside from TIPMMG na every Tuesday, isa pang maaalala ko sa araw na ito si Ricky Lo, kanya na rin ang memory ng Happy Smiling Tuesday.

Our prayers for you, Ricky.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with