_ngayon
^
Richard, pinagdududahang kakandidato sa Cebu!
Richard
STAR/ File

Richard, pinagdududahang kakandidato sa Cebu!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Nalagyan ng ibang kulay ang pagpunta ni Richard Yap sa isang bayan sa Cebu na kung saan ay naimbitahan siya ng isang kaibigang sumama sa in-organize na community pantry.

Ginamit iyon sa isang vlog na sinabing nangangampanya na raw ang Cebuanong Kapuso actor. Nasa video na may mga nagpa-picture sa kanya ng ilang tagaroon at tinanggal niya ang suot na face mask.

Ang dating sa nag-post ng video na iyon na may balak na tumakbo uli si Richard sa darating na eleksyon. Tumakbo na siyang Congressman noon, pero hindi siya pinalad. Baka nga may plano na naman siya.

Pero sabi ng kampo ng aktor, wala pa raw sa plano niya iyan. Pinagbigyan lang naman daw niya ang imbitasyon ng isang kaibigang tagaroon.

Sabi sa statement na ipinarating sa amin ng management group ni Richard Yap; “Our artist, Richard Yap, recently attended a community pantry in Cebu. While there, people requested to have their picture taken with him, to which he obliged.

“As far as Richard Yap is concerned, contrary to what an online publication reported, the event he attended was not in any way political in nature as he merely accepted the invitation of a friend.”

Hina-handle rin si Richard ng GMA Artist Center, at may mga plano ang GMA 7 sa kanya.

Kung meron man siyang political plans, malamang na hindi yan pakikialaman ng GMA 7.

Pero may sisimulan siyang drama series, ang I Left My Heart in Sorsogon na pagsasamahan nila ni Heart Evangelista at Paolo Contis.

RICHARD YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with