GMA Public Affairs, palakas din sa digital
Palakas din nang palakas ang online presence ng GMA Public Affairs!
Kamakailan nga ay umabot na sa 15 million ang subscribers nito sa YouTube--isang taon mula nang tumanggap ito ng Diamond Play Button Award mula sa video-sharing platform matapos nitong magkaroon ng 10 million subscribers.
Mapapanood sa nasabing YouTube channel ang previously aired episodes ng favorite Kapuso public affairs shows kabilang ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Kasama rin dito ang episodes ng mga award-winning documentary show na iWitness, Brigada, at Reporter’s Notebook; ang mga well-loved public affairs show na Wish Ko Lang!, Tadhana, at Imbestigador; ang feel-good infotainment at lifestyle shows na Biyahe ni Drew, AHA!, at Pop Talk; pati na rin ang pioneering online newscast na Stand For Truth; at iba pa.
Proof nga ito na marami talaga ang nag-divert from watching TV to digital platforms.
- Latest