_ngayon
^
Pa-siyam ni Ricky,­dinaluhan ng mga malalapit na­kaibigan
Ricky

Pa-siyam ni Ricky,­dinaluhan ng mga malalapit na­kaibigan

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2021 - 12:00am

Very touching naman ‘yung ginawang nine days novena ni Peachy Guioguio para sa mga gustong ipagdasal ang soul ni Ricky Lo.

Very meaningful dahil lahat ng kaibigan at close ni Ricky kahit virtual at by Zoom ang novena, talagang nagbigay oras to pray for the reposed of his soul.

Si Ricky ay sobrang religious at madasalin. Lagi na ginagawa ang Visita Iglesia tuwing Holy Week, kaya si­guro naisip ni Peachy na ang pinakamagandang magagawa niya ay ‘yung bigyan ng nine days novena si Ricky.

Natutuwa ang kapatid niyang si Susan na nakikitang sumasali ang mga naging part ng buhay ni Ricky sa gabi-gabing novena. Si Manay Gina de Venecia, Sen. Grace Poe, Bong Revilla, Lani Mercado, mga kasamahan niya sa The Philippine STAR, mga showbiz writer, sina Gorgy at Salve.

Inggit ako dahil marunong silang mag-Zoom, hindi tulad ko na outdated kaya hindi makasali.  Lahat tuloy nakilala na ng mynah bird ni Ricky na agaw-pansin sa padasal dahil ang ingay-ingay. Pero sabi ng pamangkin ni Ricky ng araw na mamatay siya, tahimik buong araw ang mynah. Parang kelan lang iyon, ngayon malapit nang matapos ang nine days.

Uuwi na ng Samar si Ricky para makapiling ang nanay, tatay at mga kapatid niya sa ipinatayo niyang mausoleum sa Las Navas.  Permanente na siya sa ipinagmamalaki niyang province sa Samar, na talagang at home siya at lagi niyang kinukuwento ang young days niya roon.

Now, he will be among his loved ones in heaven.

Plus 1 sa taping ng mga senior, kkb na!

Natawa ako sa ilang don’ts and do’s sa mga taping. Dahil nga ‘pag senior citizen ang isang artista meron itong request na plus 1. Kaya kadalasan, umiiwas na sila sa mga senior star.

Now, ‘pag nagpilit ng plus 1, dapat ang star ang magbayad ng swab test, at kung puwede sila rin ang magbayad ng room at pagkain.

Kung walang board and lodging, sa kotse lang mag-stay ang kasama.

Sobra ang takot na mapasukan ng isang tao na positive ang set kaya ganun sila kaingat.

Hindi ko alam kung ang ganitong kalakaran sa parte lang ng news department o tumawid na rin sa entertainment.

Pero one thing is for sure, wala na talaga ang mga drama na may make-up artist at stylist na dala-dala sa set, or ‘yung may PA na kakalat-kalat sa set.

RICKY LO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with