^

PSN Showbiz

Showbiz couple, inaabangan kung kailan ilalantad ang anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pang-uusisa ng ating mga kababayan, ngayong inilantad na ng isang female personality ang mukha at pangalan ng kanyang anak, kailan daw naman kaya magpapakatotoo ang isang showbiz couple para ipakita sa publiko ang kanilang si Baby M?

‘Yun lang!

Mahusay na aktres namaga ang palad sa kakasampal sa aktor na walang emosyon

Nakakamangha ang pagpapakatotoo nu’n ng isang female personality tungkol sa isang guwapong aktor na sumisigaw ang mga abs.

Komento ng babaeng personalidad, “Halos mamaga na ang magkabilang palad ko sa pagsampal sa kanya sa isang eksena namin, pero wala pa rin siyang reaction!”

Paulit-ulit na ipinagawa sa kanila ng direktor ang eksena, magaan lang nu’ng una ang pagsampal ng aktres sa hunk actor, pero nu’ng ikalimang take na nila ay bumigat na ang kanyang mga kamay.

Kuwento ng aming source, “Naku, nakakaloka ang eksenang ‘yun! Napakagaling pa naman nu’ng aktres, bigay na bigay siya kung umarte, pero nakatagpo siya ng artistang walang emosyon!

“Imagine, paulit-ulit na niyang sinampal, pero wala pa ring reaction ang guy? Parang wala lang, kaya inis na inis na siya kapag pinapaulit ni direk ang eksena.

“Sinabihan pa niya ang male personality, ‘Isipin mo ang mga nangyari sa iyo nu’n, hindi ka man lang ba nakatikim ng sampal sa nanay mo? Isipin mo ‘yun, para makaarte ka!’

“Pero wala pa rin! Halos mamaga na ang magkabilang palad niya sa paulit-ulit na pagsampal sa kaeksena niya, pero hindi pasado ang reaction niya sa sampalan blues!

“Inulit pa ng female personality ang pakiusap niya sa hunk actor, ‘Kapag sinampal kita, tingnan mo ako nang matalim! Galit ka! Galit na galit ka! Parang gusto mo rin akong sampalin pero hindi mo magawa-gawa, dahil nirerespeto mo ako!’

“Medyo nakuha naman ng male persona­lity sa ikalimang take nila ang tamang reaction, pero hindi pa rin ‘yung puwede kay direk, kailangan pa raw ng another take!

“Ang female personality na ang nakiusap kay direk, tama na raw, dahil baka hima­tayin na siya sa sobrang galit sa male personality na walang emosyon!

“At hanggang ngayon, e, hamonado pa rin sa pag-arte ang male persona­lity. Kunot ng noo lang ang panglaban niya. kung wala ‘yun, wala na! Wala na talaga!

“Pinag-iwanan na siya sa acting ng mga kasabayan niya, ng mga artistang bagito pa lang pero magaling nang umarte, wala talaga sa dugo niya ang pag-aartista! Mukha at katawan lang ang puhunan niya!” naiinis na ring pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Robin, mas abala sa pagsawsaw kesa kumita

Wala kayang produksiyon na nag-aalok ng proyekto kay Robin Padilla? Kahit mga pelikulang indie, wala kayang planong pelikula ang mga namumuhunan para kay Binoe, para naman may pinagkakaabalahan siya?

Sayang naman ang talento niya bilang action star? Kilalang-kilalang artista naman si Robin Padilla, may panghatak sa manonood, bakit kaya wala man lang kumukuha sa kanyang serbisyo sa pelikula?

Naisip lang namin ito dahil kapag nababasa namin ang mga bira sa kanya sa social media ng mga kababayan natin ay kami ang nangliliit.

Inilayo na ba talaga ni Robin ang kanyang sarili sa industriyang nagpasikat sa kanya? May mga alok bang dumara­ting sa kanya pero tinatanggihan lang niya?

Kapag may trabaho kasi si Robin ay may magandang magagawa ‘yun para sa kanya. May iba siyang pagkakaabalahan, meron siyang ibang larangang matututukan, mababawasan ang partisipasyon niya sa pagpansin sa mga pulitiko at mga taong kumakalaban kay PRRD.

Hanggang sa susunod na taon na lang ang ating pangulo, hindi na ito tatakbo uli, tatapusin kaya ni Robin ang termino ni PRRD bago niya harapin ang kanyang tunay na propesyon?

Napakasakit mabasa ang mga komentong para siyang pulgas na nakadikit sa balat ng pangulo. Kahit tama ang kanyang opinyon ay kinakalaban pa rin siya, nagdudunung-dunungan daw si Robin, isa raw siyang huwad na bayani.

Tutal naman, siya na ang nagsasabing pati ang ipon nila ni Mariel Rodriguez para sa kanilang mga anak ay nagagalaw na nila, panahon na siguro para mag-artista na siya uli dahil marami pa rin namang naghahanap sa kanya.

Sayang ang panahon. Pagbali-baligtarin man natin ang mga sampay nating damit ay Robin Padilla na siya. Meron na siyang puhunan. Kilalang-kilala na siya.

Kesa naman sa pinapasok niya ang mundong hindi naman dinisenyo para sa kanya. Minsan na siyang nakilahok sa pulitika sa Nueva Ecija pero nabigo siya. Hindi siya para sa pulitika. Sa pag-arte siya gusto ng mga kababayan natin at hindi sa entablado de kampanya.

“At lalong hindi sa pag-oopinyon na bulag ang isa niyang mata,” habol na komento ng kaibigan naming propesor.

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with