_ngayon
^
Mayor Goma, binigyan ng tribute ang nanay na dating sikat na aktres
Stella at Goma

Mayor Goma, binigyan ng tribute ang nanay na dating sikat na aktres

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2021 - 12:00am

Bihira tayong makakita ng mga pamilya ng mga artista, lalo na kung hindi na active sa showbusiness. Kaya nga tuwang-tuwa kami nang makita namin ang picture ng aktres na si Stella Suarez, sa ipinost na Mother’s Day tribute sa kanya ng anak na si Mayor Richard Gomez.
Luma na rin ang picture. Batam-bata pa si Mayor Goma na kuha sa isang beach. Si Stella naman mukhang bata pa rin. Natatandaan namin, talagang bata pa kami nang sumikat nang husto si Stella Suarez. Kilalang-kilala siya talaga, pati ang kapatid niyang pulis na noong nagsisimula pa lang kami sa police beat ay napagkukuwentuhan nga nilang kapatid daw ni Stella.

Marami ring nagawang pelikula si Stella Suarez pero hindi na rin naming inabot iyon, pero napanood namin ang kanyang ilang pelikula sa telebisyon.

Noong araw kasi regular namang napapanood ang mga pelikulang Tagalog sa telebisyon. Nang mauso ang video recorders, may mga kolektor na nakakuha rin ng kopya ng mga lumang pelikula.

Pero sina Stella kasi, umalis sa Pilipinas noong mag-martial law for some reasons. Si Goma naman ni hindi pa nagsisimula noon sa kanyang career.

Naalala namin, ipinakilala sa amin ni Douglas Quijano ang “bago niyang alaga” na si Richard Gomez mga 1980’s yata, at nagtuluy-tuloy naman ang career ni Goma bilang isang actor, hanggang sa maagaw siya ng pulitika.

Nakakatuwa lang ang ginawa ni Goma na inalala pa rin niya ang mother niya, at naitago pa niya ang mga picture nila noong araw. Pero siyempre naman, kung ang nanay mo ay isang sikat na aktres na gaya ni Stella Suarez, ipagmamalaki mo.

Sigurado rin naman na ipinagmamalaki ni Stella na ang kanyang anak ay hindi lamang isang sikat na actor pero sinasabi ring isa kilalang sportsman, at kinikilala ring isa sa pinakamahusay na mayor sa ating bayan.

Pareho naman sila na maipagmamalaki ang isa’t isa. Pero nakakatuwa nga kasi ang ganyan, na sa kabila ng kanilang popularidad, at sa kabila ng dami nang kanilang ginagawa, hindi nila nakakalimutan ang isa’t isa.

Patrick at Nikka, dinepensa ang pagdami ng anak

Buntis ulit si Nikka, ang asawa ng inactive actor na si Patrick Garcia. May tatlo na silang anak na puro babae, kaya nga may nang-iintriga na baka kaya raw ganoon ay naghahabol sila ng isang baby boy, dahil lumalabas na ang tanging anak na lalaki ni Patrick ay iyong kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Pero ang paliwanag ni Nikka, hindi sila naghahabol ng baby boy, in fact kung ang ipapanganak niya ngayon ay isang babae ulit, they will be so happy.

Sinasabi nga niya na hindi naman sila nag-iisip ng ano pa man, pero pareho nga raw sila ni Patrick na gusto ng maraming anak. Una nakikita niyang (misis) masaya ang kanyang mga anak, na hindi niya nadama dahil nag-iisa siyang anak ng kanyang mga magulang. “Maski si Pat, gusto niya ng isang malaking pamilya at sa ngayon hindi naman problema iyon because we can support a big family,” sabi pa ni Nikka.

Kaya nga hindi na dapat gumawa ng intriga na naghahabol sila ng anak na lalaki dahil lamang sa nabigyan ni Jennylyn ng anak na lalaki si Patrick.

Male star na mahilig magkomento sa isyu ng WPS, sustentado ng bading

May isang male star na kung magsalita ngayon ay tila napakaraming nalalaman tungkol sa ating problema sa West Philippine Sea.

Kung maririnig mo nga siyang magsalita akala mo nakahanda na ring makipag-debate. Pero iyong kanyang katuwiran at nalalaman ay hindi kung ano ang pinaniniwalaan at gustong marinig ng mga Pilipino, kaya more or less, alam mo kung kanino niya naririnig ang mga katuwirang iyon.

Dahil sa kanyang mga pinagsasabi, mukhang lalo siyang nadidiin at lalong bumabagsak ang kanyang popularidad. “Kasi iyan ang naririnig niya sa bading na madalas niyang ka-date ngayon, at para good siya sa bading niya kailangan kabisado niya iyon. Wala siyang trabaho ngayon, iyong ba­ding lang ang inaasahan niya,” sabi ng isa naming source.

Kaya naman pala.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with