_ngayon
^
Rica, kakaiba ang sintomas nang magka-COVID-19!
Rica
STAR/ File

Rica, kakaiba ang sintomas nang magka-COVID-19!

(Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

Aww, pati pala ang sobrang pagpapawis ay symptoms na rin na na-virus ka. Ito ang isa sa mga nabanggit ni Rica Peralejo nang magkaroon siya ng COVID-19 at maging ang asawa niyang pastor.

Confused daw siya dahil ito ang unang naramdaman niya nang magkaroon siya ng shoot sa bahay nila. Eh kaso raw mainit din naman noong araw na ‘yun kaya parang pakiramdam niya ay the usual daw na pinawisan lang siya dahil sa init ng panahon.

Nakaramdam din naman daw siya tiredness, and other symptoms ng COVID-19. Pero nang naging extra tired siya, nagpa-PCR na siya.

Pero ‘yun nga, normal thing lang sa kanya ang mga naging sintomas niya kaya nagulat din siya na nag-positive siya.

Naka-recover na sila ng mister niyang si Joseph Bonifacio pero ang nahirapan sila ay sa contact tracing.

Scary lang na pati pawis, eh sa init ng panahon ngayon, talagang papawisan ka naman. Kahapon ay 7,174 ang new cases habang 204 ang number of new deaths.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with